Aiza, Martin, 2 pang pinoy singer umariba sa Stevie Wonder Concert | Bandera

Aiza, Martin, 2 pang pinoy singer umariba sa Stevie Wonder Concert

Jobert Sucaldito - April 28, 2015 - 02:00 AM

aiza seguerra

HINDI sinasadyang mapadpad kami ni kaibigang Richard Pinlac sa special and invitational concert ng world-famous legendary singer na si Stevie Wonder sa The Theater ng Solaire Resort Hotel and Casino last Saturday.

Binigyan kasi kami ni kaibigang Romm Burlat ng VIP tickets to the show at maganda ang puwestong kinalagyan namin ni Pinlac. Oh my gosh! What a beautiful show and ang ganda ng sounds sa said venue.

Talagang ginastusan ang kanilang entablado pati na ang lights and sound equipment. Ibang klase sa ganda. Kahit ako sigurong hindi naman singer ay maaaring magmukhang mamahalin pag nasa itaas ako ng entablado. He-hehehe!

Second time pa lang yatang nakarating sa Pilipinas ang blind genius na si Stevie Wonder. The first I think was more than 30 years ago – sa Araneta Coliseum siguro iyon if I’m not mistaken.

Ngayon ay invitational lang talaga, hindi ito a commercial show – regalo ng admin ng Solaire para sa kanilang mga gambling aficionados ang pagdala kay Stevie Wonder dito – balita ko, isang tumataginting na US$1.8 million ang ibinayad sa kaniya.

Full band with matching five back-up singers. Ganda ng show that lasted for more than two hours na ikinagiliw ng lahat. And in fairness kay Stevie Wonder, hindi pala siya gumagamit ng falsetto pag kumakanta siya – mataas talaga ang range ng boses niya at buong-buo pa rin.

At marami sa mga taga-Solaire and other guests ang nakapagpakuha ng picture with him. Sayang nga lang at hindi kami nagka-chance dahil we were glued to our seats with some businessmen/friends.

During the show ay nagpaakyat ng mga local singers si Stevie sa stage. Pinaalis muna niya ang lahat ng band members niya, ang naiwan lang sa stage ay sina Stevie and his back-up singers.

Then umakyat sina Aiza Seguerra and Papa Martin Nievera and two other lady singers whose names skipped our memory. Aiza did two full songs sa tabi ni Stevie and Martin jammed along in some songs.

Ang saya nilang tingnan sa stage, kasi nga si Stevie ay tumayong parang ama nila cum mentor at nag-enjoy siya sa mga boses ng mga singers natin.It was something very intimate.

After the show ay biniro namin si Kuya Randy Santiago kung bakit hindi siya umakyat sa stage eh, magaling siyang singer at pareho sila ni Stevie na nakasalamin – you know what I mean! Ha-hahaha! Ang kaibahan lang ni Stevie ay blind siya while Kuya Randy is just – you know. Love you, Kuya Randy.

“Ang taas ng boses ni Stevie. Tiyak na hindi ko maabot ang pitch niya. Baka magkalat lang ako sa stage kung umakyat ako. Okay nang nanood na lang ako,” ani Kuya Randy na siya ngang magdidirek ng nalalapit na show ni Pareng Willie Revillame (pare talaga? Ha-hahaha!) na kasama niyang nanood that time.

Nagyakapan kami ni Willie to the delight of some richie-richie audience na akala’y magkagalit pa kami.  Matagal na kaming nagkabati ni Willie, the first time kaming nagbati was during the binyag ng anak nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati noon sa Wack Wack Clubhouse. First time kasi raw nilang nakitang magkayakap kami ni Willie kaya natuwa sila.

Anyway, kasabay ng show ni Stevie Wonder that night ang show ni Alex Gonzaga sa Araneta na balita ko’y as early as 5 p.m. ay meron nang mga barangay tanod ang namimigay ng free tickets sa labas ng Araneta.

Ipinaliwanag naman sa akin ng mahal kong anak-anakang si Joed Serrano na siyang producer ng concert ni Alex na talagang namigay ng tickets ang mga sponsors sa labas ng Araneta – galing sa sponsors daw iyon – hindi galing sa produksiyon.

Kumita raw siya as producer ni Alex Gonzaga kaya hindi siya affected. Marami raw nanood ng show ni Alex, yung nakitang pinamimigay na tickets sa labas ay galing sa sponsors iyon.

I promised Joed na I won’t go into details anymore about Alex’s concert. Basta ang nasa isip ko na lang ay nag-enjoy kami ni Richard Pinlac that very same time dahil napakaganda ng show ni Stevie Wonder.

Between Alex Gonzaga naman and Stevie Wonder, hindi naman siguro kailangang tanungin pa kung alin ang pipiliin naming panoorin, di ba? Kahit kayo rin naman, given a chance? Ha-hahaha!

Nagkuwentuhan kami nang konti ni Pareng Willie. Wowowin ang title ng kaniyang nalalapit na TV show sa GMA 7 – hindi niya lang ma-confirm pa ang exact date kung kailan sila eere pero super lapit na raw nito.

Puro ensayo lang daw ang ginagawa niya ngayon. Tinanong namin siya kung totoo bang more than 1,000 dancers ang uupahan nila para sa opening ng bago niyang TV show.

“Hindi naman siguro 1,000, baka kasi hindi kayanin ng stage. Maliit lang ang studio namin, parang sa Wowowee lang din. Mga more than 100 dancers lang para busog lang tingnan ang stage.

Puwede ka bang mag-guest? Ha-hahaha! Tiyak hindi ka papayagan ng ABS,” biro ni Pareng Willie sa akin.Natural, hindi ako naka-comment agad. Kung ako lang ang masusunod, why not? It would be so much fun kung maglaro kaming dalawa sa show niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero of course, hindi naman puwede iyon, hindi ako papayagan sigurado ng ABS-CBN dahil nga taga-DZMM. Anyway, till the next kuwentuhan na lang muna tayo.

Kung kailan ulit tayo makakapanood ng foreign act na kasing-bongga ng kay Stevie Wonder, hindi pa natin batid. Basta we will always be big fans of Stevie Wonder – the icon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending