Totoo ba, MARJORIE nanganak na? Bandera

Totoo ba, MARJORIE nanganak na?

|June 19,2012
share this

Totoo ba, MARJORIE nanganak na?

- June 19, 2012 - 01:55 PM

Kaya raw pala hindi na siya masyadong nakikita

LAST week ay napadpad kami ng isang non-showbiz friend ko sa Caloocan City to fix some of his documents.

Nagmamadali kami that time dahil meron pa akong hinabol na special meeting with some concert producers.

Ma-traffic kasi kaya delikadong maipit sa biyahe – mabuti na lang at umabot ako sa meeting ko. Five minutes lang akong late!

Habang nasa Caloocan  kami, siyempre, bati to death ako sa mga nakakakilala sa atin kahit paano.

Nakipagtsikahan ako habang busy ang kasama ko sa kaaayos ng kanyang papeles.

Until I bumped into a city hall employee na kakilala ko! Ten years na yata kaming hindi nagkikita ng old friend ko who works for the city government. And in fairness, sa tagal naming hindi pagkikita, may pakinabang pa rin naman pala siya.

Ha-hahaha! Ano fa? Natural, may chika siyang sinabi sa akin tungkol mga nangyayari ngayon sa Caloocan City.

“Alam mo bang nanganak na si Marjorie Barretto? Yes! May anak na sila ni Mayor Echeverri.

Nag-file ng leave si Marjorie sa konseho, dahil nanganak pala.

Kakaloka! Ang chika kasi nabalitaan daw ni Marjorie na may ibang girl na pinopormahan si Mayor Recom kaya nagpabuntis siyang bigla.

Natakot sigurong maagawan!” kuwento ng aming friend.

“Common knowledge na naman ang tungkol sa kanila.

Kaya nga nanalong konsehala iyang si Marjorie dito sa amin dahil nasa partido siya ni Mayor. Mahina naman iyan as far as politics is concerned, e.

May makinarya lang,” pahabol pa ng kausap namin.

Kungsabagay, I agree with her, matagal nang nasa news ang diumano’y relasyong Recom-Marjorie pero nobody cared naman dahil unang-una, hindi na naman hot item si Marjorie sa showbiz.

Mayor Recom naman is detached from us dahil nasa politics siya.

Pero itong balitang nabuntis si Marjorie at nanganak na is something new.

Talagang sumabay din si Marjorie sa controversial sisters niyang sina Claudine at Gretchen.

Ha-hahaha! Gretchen would flaunt about her wealth and what nots.

Claudine naman recently hit the headlines dahil sa bugbugan at demandahan nila ni Mon Tulfo.

At kung totoo man ang panganganak ni Marjorie, baka ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagsalita noong kasagsagan ng issue kina Claudine at Tulfo?

Sa ngayon, hindi muna kami magbibigay ng conclusion tungkol sa isyung ito.

At ayoko ring mag-judge. Hintayin muna natin ang magiging sagot ni Marjorie about this.

I’m sure makakapag-explain siya. Pero kung totoong nanganak siya, ang mahalaga ay itinuloy niya ito.

Blessing ang pagkakaroon ng anak.

Tsaka, matagal na namang nananahimik ang konsehala kaya ibigay na natin sa kanya ang katahimikan.

Kung saan siya masaya hayaan na natin.

Matanda na siya at alam na niya ang kanyang ginagawa.

Bukas din ang pahinang ito para sa panig ni Mayor Recom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending