‘Hindi bastos na nanay si Doris Bigornia!’
FOR quite sometime, kilala ko na naman kahit paano si Doris Bigornia, isa sa mga hinahangaan kong broadcast journalist. She’s so much fun to be with – kalog na kalog and very hearty.
I just love this lady – mahusay magbato ng balita – masang-masa talaga kaya nga siya tinaguriang Mutya Ng Masa. I would catch her show once in a while dahil bilib ako sa husay niya.
That’s why I’ like to air my view on what happened – that controversial confrontation daw she had with a certain Mr. Richard Lim during the concert ng The Script.
I read Mr. Lim’s accusations on Ms. Doris – na kesyo napagsalitaan daw sila ng “wala akong pakialam kahit mamatay man siya”, referring to Mr. Lim’s son na nagha-hyper-ventilate dahil nakaharang sa harap nila si Ms. Bigornia and her daughter.
Pinalabas ng Mr. Lim na ito that Doris misbehaved – na iba raw ang pinapakita ng mga taga-media sa harap ng camera at sa totoong buhay. It was indeed a swooping statement sa aming mga taga-media in a way.
Wait lang, alam naman pala niyang nagha-hyperventilate ang anak niya, dapat hindi sila nanood sa said concert in the first place. Alam niyo naman ang ganitong klase ng concerts, crowded talaga ang sometimes fans can just be as rowdy, di ba? And like everyone else there, Ms. Doris and her kid were also fans – just like all of them na gustong makalapit sa idols nila in the spirit of fun.
Pero para balingan niya itong si Mr. Lim at sabihang “wala akong pakialam kahit mamatay man siya” ay mukhang malabong masabi ng batikang journalist.
As in, super-labo. Isang malinaw na paninira ito on her part – maaaring naging inconvenient nga ang mag-amang Lim sa sitwasyon nang magdagsaan na ang mga tao sa harap nila including the presence of Doris and her daughter pero ina rin ito and will never say such of any child.
Yes, sinasabi nilang madali lang daw mag-deny ang isang iniipit sa malaking isyu pero sinasabi rin naming napakadali ring siraan ang isang celebrity dahil sila ang easiest na ituro pag nagkakagulo na dahil sila ang kilala.
Maaaring iba ang nagsabi noon pero dahil kasama nga si Doris sa nagbigay sa kanila ng discomfort nung mga oras na iyon, si Doris ang itinuro nila.
Kilala ko si Doris – napakabait na babae niyan. She is a very strong woman, yes, pero hindi siya bastos. Hindi garapal na babae iyan – feeling beauty queen nga iyan pag nakakausap ko.
She’s a very sweet lady who just looks like matapang. She is matapang pero hindi bastos.And in fairness to her, for whatever it’s worth, she apologized to Mr. Richard Lim and his son pero siyempre, hindi niya talaga puwedeng amining sinabi niya ang masasakit na salitang iyon – it’s a curse, di ba? She will never do that. Believe me.
Hindi ko lang batid if this certain Mr. Richard Lim ay kilala ko – yung dating barkada ng singer na si Calvin Millado before. Mga ’90s ko pa kilala ang taong iyon.
Kung siya iyon, crush ko iyon dati. Ha-hahaha! Kung siya nga iyon, mabait ang taong iyon. At kung siya nga iyon at pag nagkita kami, paninindigan ko pa rin ang stand kong hindi ang tipo ni Doris ang magsasabi ng ganoon.
I am praying na sana’y magkaayos sila in the future. Mahirap din kasing patunayan ni Mr. Lim ang point niya dahil wala naman siyang hawak na ebidensiyang sinabi nga ni Ms. Doris iyon.
Kumbaga, ang pinanghahawakan lang niya ay ang kaniyang salita, di ba? Let’s just have fun na lang. Magpatawaran na lang tutal na-enjoy naman nila ang The Script, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.