Customs chief nagbitiw, di kinaya ang political pressure
NAGBITIW na si Customs Commissioner John Phillip Sevilla.
Ayon kay Sevilla, political pressure sa nasabing ahensiya ang rason kung bakit siya nagbitiw sa kanyang pwesto.
Anya, dahil sa nalalapit na 2016 elections kaya’t nakakaramdam na siya nang matinding pressure na di niya kayang tugunan dahil hindi umano siya “political person”.
“Malungkot po ako na hindi ko matatapos ang naumpisahan ko,” ayon kay Sevilla na ang pinatutungkulan ay ang mga reporma na kanyang pinatutupad para labanan ang korupsyon sa BOC.
Sinasabi na ang pressure di umano mula sa malalaking puwersa gaya ng Iglesia ni Cristo ang nagla-lobby para mailagay ang kanilang mga tao sa ilang matataas na posisyon sa komisyon.
Itinalaga si Sevilla, na nagsilbi bilang Finance Undersecretary for the Corporate Affairs Group and Privatization ng Department of Finance, ni Pangulong Aquino noong Disyembre 2013 matapos palitan si Commissioner Ruffy Biazon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.