Pacquiao hindi dehado kay Mayweather | Bandera

Pacquiao hindi dehado kay Mayweather

Mike Lee - , April 23, 2015 - 12:00 PM

KUNG mayroon mang bentahe si Floyd Mayweather Jr. kay Manny Pacquiao noon ay naglaho na ito ngayon.
Ito ay dahil naniniwala ang chief trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na kayang talunin ng Pinoy boxing superstar si Mayweather sa laban nila sa Mayo 3.

Ang dahilan ayon kay Roach ay umaangat pa kasi sa pagboboksing si Pacquiao habang pababa na si Mayweather.

Bagamat alam nitong aangat si Mayweather sa 160 pounds sa araw ng laban, hindi naman hinulaan ni Roach na magwawagi sa pamamagitan ng knockout si Pacquiao, na papasok sa laban na mas mababa ng 12 pounds.

Naniniwala rin si Roach na nasa tamang porma si Pacquiao para balewalain ang reach at  weight advantage ni Mayweather.

“We’re really close,” sabi ni Roach. “Almost perfect.”

Ito ang naging pagkilatis ng seven-time trainer of the year matapos ang sparring session ni Pacquiao sa dalawang sparmates kahapon sa Wild Card Gym.

Nakatikim din mismo si Roach ng lakas ng suntok ni Pacquiao matapos masaktan ng upak nito sa dibdib.

“He’d never hit me as hard as that before,” sabi ni Roach. “He doesn’t hold back, but that’s what I want.”

At para hindi masobrahan sa ensayo si Pacquiao, sinabi ni Roach na maghihinay-hinay muna sila sa pag-eensayo.
Hindi na rin pabor si Roach na bigyan ng mas maraming sparring sessions si Pacquiao sa yugtong ito ng kanyang boxing career.

Bagamat umaabot sila kung minsan ng mahigit 150 rounds bago ang laban, inilahad ni Roach na baka hindi na sila umabot sa 90 rounds sa pagkakataong ito.

“There’ll be eight rounds (sparring) on Thursday,” sabi ni Roach. “Then six on Saturday.”

Magsasagawa sila ng light workout sa Martes bago tumungo ang Team Pacquiao sa Las Vegas sa susunod na araw.

Samantala, kung mayroon mang isang bagay na napagkasunduan agad ng mga kampo nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., ito ay ang itinalagang referee at hurado na susuri sa megafight na gagawin sa Mayo 3 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ang beteranong si Kenny Bayless ang tinapik ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) para umakto bilang third man sa ring habang sina Dave Moretti ng Las Vegas, Burt Clements ng Reno at Glenn Feldman sa Connecticut ang mga itinalagang judges.

Ang mga itinalagang personalidad ayon kay NSAC executive director Bob Bennett ay mga taong maganda ang kredibilidad sa sport kaya’t naniniwalang maayos nilang mahahawakan ang pinakamalaking laban sa kapanahunang ito.

“Kenny Bayless is the best referee in the world,” wika ni Bob Arum ng Top Rank.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Bayless ang referee sa anim sa huling 10 laban ni Pacquiao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending