Joseph Greenfield
Bandera resident psychic
TOTOO ang hula ng Bandera resident psychic na si Joseph Greenfield, na hahabulin ng siklo ng malas at sumpa si Manny Pacquiao.
Matindi ang sumpa, kaya marahil ay nanaig ito kahit may mga nagdasal para sa kanyang panalo.
Heto ang hula ni Greenfield kay Pacquiao:
MARAMI ang nagdududa sa kalalabasan ng labang Manny Pacquiao at Timothy Bradley.
Bukod sa mas bata si Bradley ng limang taon kay Pacquiao, mula nang umakyat sa lona ang Kanong boksingero ay wala pang talo, may malinis na record na 28 panalo, 12 knockouts.
Kumpara kay Pacquiao na may tatlong talo na. Una, nang matalo siya noong Peb. 9, 1996 ng kababayang si Rustico Torrecampo, na ginanap sa Mandaluyong City, Metro Manila.Ito ang unang pagkatalo by knockout ni Pacquiao.Muling umakyat sa lona si Pacquiao na may kakaibang bilis, lakas at determinasyon.
Labin-limang sunud-sunod na panalo ang kanyang ikinamada, ngunit noong Set. 17, 1999, sa sagupaang ginanap sa Thailand, naawat ang pananalasa ni Pacquiao nang magulantang ng matinding knockout sa third round ng Thailander na si Medgoen Singsurat.
Hindi huminto ang tadhana kay Pacquiao. Labin-limang sunud-sunod na laban na walang talo ang kanyang naitala; 13 wins at 2 draws.
Pagkatapos ng malinis na kartadang ito, sa Las Vegas, noong March 19, 2005, muli na namang nakalasap si Pacquiao ng kabiguan, laban sa Mexican fighter na si Erik Morales.
Sa mga labang ito, paikut-ikot lang ang gulong ng palad sa Pambasang Kamao, Labin-limang sunud-sunod na panalo na naman ang kanyang naikamada, na ang huling panalo ay naganap sa kanilang laban ni Juan Manuel Marquez III noong November 12, 2011.
Kung matutupad ang tadhana, at ang ikot ng gulong ng kapalaran sa nalalapit na laban ng Pambansang Kamao kay Bradley, posibleng matalo si Pacquiao, sapagkat sa bawat ika-16 na pag-akyat sa lona, ayon sa “cycle of every 15 fight” ang ika-16 na laban ay laging talo.
Heto ang Numerology at Astrology sa kapalaran ng Pambansang Kamao:
Si Emmanuel “Manny Pacman” Dapidran Pacquiao ay isinilang noong Dis. 17, 1978. Nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius, sa birth date na 17 or 8 (1+7=8) at sa destiny number na 9 (12+17+1978=2007/ 20+07=27/ 2+7=9).
Likas na suwerte ang kanyang mga numerong 17, 8, 27 at 9, dahil ang mga numerong ito ayon sa Numerology ay “Strong Numbers.”
Ngunit ang mga Weak number ay sadyang magbibigay sa kanya ng matinding pagsubok at baka mauwi kamalasan kung di nakayanan.
Tulad ng naipaliwanag na, sa tuwing umiikot ang 15-15 cycle sa kanyang career, sa ika-16 na laban (ang 16 ay 1+6=7) siya ay minamalas na matalo.
Tatlong beses nangyari kay Pacquiao ang kamalasang ito: Una nang talunin siya ni Rustico Torrecampo (2/9/1996); pangalawa nang talunin siya ng Thailander na si Medgoen Singsurat (9/17/1999); at ang pangatlo niyang pagkatalo ay nalasap mula sa Mexican fighter na si Erik Morales (3/19/2005). Tuwing 15 fight cycle ang ikot ng tadhana ni Pacquiao. At tuwing matatapos ang 15 fights o laban siya ay natatalo.
Sa laban sa Hunyo 9, 2012, (6/9/2012 petsa sa US) at Hunyo 10, 2012 (6/10/2012) sa ating bansa, sa ika-34 niyang edad (ang 34 ay 7 din o Weak Number, dahil ang 34 ay 3+4=7) asahan na ang malaking posibilidad na muling bubulagta sa ibabaw ng lona ang Pambansang Kamao, upang lasapin mula sa kamay ni Bradley ang ika-4 na pagkatalo.
Mangyayari dahil ang Sagittarius, ay naiimpluwensiyahan ng planetang Mars, habang ang numerong 17 or 8 ni Paquiao ay naiimpluensiyahan naman ng planetang Saturno.
Ang pagdaan o pag-Transit ng planetang Venus nitong nakalipas na araw sa ating Mundo ay magdadala ng kakaibang signos o kamalasan sa mga taong pinaghaharian ng planetang Mars at Saturno, tulad ng Pambasang Kamao. Ito ay magdudulot ng malaking kamalasan sa kanyang buhay, na sinabayan pa ang pag-Transit ng Venus sa ating kalawakan ng partial Lunar Eclipse nitong mga nakaraang araw.
Ibig sabihin, “biglang magdidilim ang mundo ng ating Pambansang Kamao”.
Muli tandaang ang mga bilang at petsang ganito: 2/9/1996 – nang magapi ang Pambasang Kamao ni Rustico Torrecampo.
Ang petsang ito kapag sinuma ay may “last digit na 7”. Ganito ang pagtuos: 2+9+1996=2007/ (0+7=7). 9/17/1999 – nang magapi at matalo ang Pambasang Kamao kay Medgoen Singsurat.
Ang petsang ito kapag sinuma ay may “last digit na 7”. Ganito ang pagtuos: 9+17+1999=2025/ (2+5=7).3/19/2005 nang magapi ang Pambasang Kamao ni Erik Morales.
Ang petsang ito kapag sinuma o inadd may “last digit na 7”. Ganito ang pagtuos: 3+19+2005=2027/ 20+27=47.
At ang 6/9/2012 posibleng magapi at matalo na naman ang Pambasang Kamao kay Timothy Bradley.
Ang petsang ito kapag sinuma o inadd ay may “last digit na 7”. Ganito ang pagtuos: 6+9+2012=2027/ 20+27=47.
Alalahaning ang 7 ay ang numerong kadalasang nagiging malas sa buhay ng mga sikat at mayayaman, tulad ni Pangulong Marcos, ang February 25 (2+5=7) ang tumapos sa kanyang kapalaran, (EDSA People Power I) ganon din ang iba pang mayayaman at sikat na tao ay kadalasang nagwawakas ang magandang kapalaran sa significant at padic number na 7.
Tulad ng naipaliwanag na, 34 ang edad ni Pacquaio sa labang ito na ang numerong 34 ay may sumatotal na 7 (3+4=7).
Alalahanin ding ang Rustico ay may 7 letra, ang Medgoen ay may 7 letra ang Morales ay may 7 letra at ang Timothy ay may 7 letra.
Kaya nga sa ika-7 round, abangan ang pitong malalakas na kumbinasyon ng mga suntok mula kay Timothy Bradley, iyon na rin ang maaaring tumapos at maging wakas ng career at magandang kapalaran ni Manny Pacquiao.
Maliban na lang kung may mahiwagang puputol sa tanikalang siklo. Ipanalangin si Pacquiao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.