Gov. Vi umamin na nagka-affair ang mister na si Sen. Ralph Recto sa ibang babae | Bandera

Gov. Vi umamin na nagka-affair ang mister na si Sen. Ralph Recto sa ibang babae

- April 15, 2015 - 12:22 PM

UMAMIN si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na minsan na umano siyang “kinaliwa” ng kanyang mister na si Senador Ralph Recto.

Sa panayam kay Winnie Monsod sa programa nitong “Bawal ang Pasaway” sa GMA News TV, sinabi ni Santos na isa ring aktres, na nagkaroon na minsan ng ibang babae ang kanyang mister.

Paliwanag niya, inamin ng mister sa kanya na meron siyang naging illicit affair.

“Tinanong ko, totoo ba itong ganyan-ganyan?’ Sabi niya, ‘Totoo,’

Bago pa ito, nagkaroon na anya sila ng kasunduan na sa sandaling magkaroon ng ganitong problema, kailangang aminin lamang ang tungkol sa affair kaysa malaman pa ito sa ibang tao.

Napatawad na rin anya niya ang senador sa ginawa nitong pangangaliwa.  Umiyak pa umano ito noong nag-sorry sa kanya.

“O, sige. Next time, be careful. I told him,” pahayag pa ng aktres.

Binalaan din niya umano ang senador na ang pagiging mister sa isang celebrity na gaya niya ay madaling nahuhuli lalo na kung iba ang kasama nitong babae, bukod pa sa madali itong kumalat sa media. “I’d know it at once,” giit pa niya.

Nang tanungin kung meron bang naging anak ang senador sa ibang babae, sinabi nito na wala.

“Siguro naman kung mayroon, lumabas na iyon, ‘di ba?

Nakilala ng aktres ang senador noong 21 years old pa lang ang huli.

“He is 10 years younger than me. He was 21 and I was 31 years old. He was still in school at the time and he didn’t know who I was,” pahhayag pa ng gobernador.

Meron silang anak, si Ryan Christian Recto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago pa sila maging mag-asawa, ay nagkaroon ng anak ang aktres sa aktor na si Edu Manzano, si Luis “Lucy” Manzano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending