JM kay Jessy: Ako ang nagpumilit bumalik sa buhay niya! | Bandera

JM kay Jessy: Ako ang nagpumilit bumalik sa buhay niya!

Ervin Santiago |April 12,2015
facebook
share this

JM kay Jessy: Ako ang nagpumilit bumalik sa buhay niya!

Ervin Santiago - April 12, 2015 - 02:00 AM

jessy jm guzman

Kitang-kita sa mga mata at mga kilos ni JM de Guzman na baliw na baliw pa rin siya kay Jessy Mendiola. Talagang feel na feel namin ang pagkahumaling niya sa Kapamilya actress.

Dinedma lang ni JM ang mga babala ng kanyang mga tagasuporta na mamalasin uli ang career niya kapag nakipagbalikan siya kay Jessy na tinawag nga nilang jinx sa buhay ng aktor.

Binalewala rin ni JM ang pananakot ng mga fans na hindi na siya susuportahan kapag naging dyowa niya uli ang tisay na aktres. Ito kasi ang sinisisi ng fans ng Kapamilya actor kung bakit nalulong ito sa drugs at napariwara ang buhay noon.

Pero sabi nga ni JM sa mga panayam sa kanya, sana raw ay maintindihan ng kanyang mga followers ang kanyang desisyon. Nakiusap din siya sa kanyang fans na huwag nang pagsalitaan ng masasama si Jessy dahil nasasaktan siya sa tuwing may naririnig at nababasa siya laban sa dalaga.

Sa interview naman ng ABS-CBN, hindi man niya diretsong inamin na nagkabalikan na sila ni Jessy, sinabi niyang maligayang-maligaya siya ngayong magkasama na uli sila ng aktres matapos nga silang magkahiwalay noong kasagsagan ng issue ng drugs sa aktor.

“Masaya ako na nakasama ko uli siya, wala naman akong nakikitang mali kung sabihin ko man o maging honest man ako du’n (reconciliation nila ni Jessy).

“Ako naman ang nagpumilit na pumasok uli sa buhay niya, e. Ako yung nagpursige na bumalik siya sa akin, at hindi siya ang nagpumilit na bumalik sa akin,” malumanay na paliwanag ng aktor.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending