Finals slot puntirya ng Tropang Texters | Bandera

Finals slot puntirya ng Tropang Texters

Barry Pascua - April 11, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5 p.m. Purefoods Star vs Talk ‘N Text

TATAPUSIN na ng Talk ‘N Text ang defending champion Purefoods Star sa kanilang pagtatagpo sa Game Four ng 2015 PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals series mamayang alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nakabangon ang Tropang Texters sa 100-94 pagkatalo sa series opener nang tambakan nila ang Hotshots, 92-77, sa Game Two. Noong Huwebes ay nakaulit sila, 111-107, sa Game Three para sa 2-1 abante sa serye.

Kung muling mamamayani ang Talk ‘N Text mamaya ay tuluyan na itong papasok sa best-of-seven championship round kontra Rain or Shine na nauna nang nakarating sa Finals matapos na mawalis ang Meralco.

Muli ay nagbida para sa Talk ‘N Text sa Game Three si Jason Castro, isa sa mga kandidato para sa Best Player of the Conference honors.

Pinangunahan ni Castro ang Tropang Texters nang may 27 puntos at 10 assists.

Si Castro ay gumawa rin ng walong three-point shot — pito dito ay sunud-sunod para umakyat sa ikatlong puwesto sa all-time list ng consecutive triples made in a game.

Ang Tropang Texters ay gumawa ng limang three-point shots sa endgame upang tuluyang magwagi kontra sa Hotshots.

Ang Tropang Texters ay naglaro nang wala ang import na si Ivan Johnson sa huling bahagi ng third quarter at umpisa ng fourth period matapos na ito ay matawagan ng ikaapat na foul. Subalit pagbalik niya sa hardcourt ay nagpamalas muli ng husay sa depensa ang dating Atlanta Hawks player.

Ang reserbang si Aaron Aban ay nagtala ng 17 puntos. Gumawa ng 14 puntos si Ranidel de Ocampo at nagdagdag ng 10 puntos si Jay Washington.

Ang Purefoods Star ay pinangunahan ng import  na si Denzel Bowles na nagtala ng 39 puntos at 13 rebounds. Siya ay sinuportahan nina Peter June Simon (18 puntos), James Yap (11) at Marc Pingris (10).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending