Horoscope, April 11, 2015 | Bandera

Horoscope, April 11, 2015

Madam Sophia - April 11, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa darating na Mayo may malaking pagbabagong magaganap! Ang lahat ng mga suliranin noong nagdaang araw ay unti-unti nang mapaparam. Sa pag-ibig sa tabing dagat mainit na romansa ang mararanasan. Sa pinansyal, madaragdagan ang kinikita. Mapalad ang 2, 11, 25, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Lumayo ka sa mga taong malas, mahahawahan ka lang nila. Kumapit sa mga taong maraming salapi, dadami rin ang iyong pera. Sa pag-ibig, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, magkakahiwlay din kayo. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Walang kaabog-abog biglang mapapasayo ang magandang kapalaran. Pera at masayang pag-ibig ang darating. Ganoon paman, laging may naka-ambang tukso, mag-ingat na mahulog sa imoral na relasyon. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Lilac at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Nama-Om.” Violet at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Pagmalasakitan ang mga kadugo at kamag-anak, dahil sa bandang huli sila rin ang tutulong sayo. Sa pag-ibig, ibahagi sa lahat ang iyong pagkalinga, upang mas madali kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Wag sabayan ng init ng ulo ang mainit napanahon. Aangat ang kinikita sa pamamagitan ng diplomasya at pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, upang lumamig ang ulo yayain munang kumain ng ice-cream ang kasuyo at saka kayo mag-swimming. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Naranda-Om.” Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Wag magtanga-tangahan, matalino ka naman, bakit hindi mo paunlarin ang inyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isaisip, makikita mo paglipas ng anim na taon, mayamang-mayaman ka na. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.” Blue at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Umiwas sa mga taong bolero at maraming kuwento. May babala na muli ka na namang maloloko. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang kakaunti nyo na lang na savings. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Paghandaan ang pagbabalik ng minamahal! Sa pinansyal at pag-ibig, kahit mahirap ang buhay, bigyan ng isang romantic na selebrasyon ang kanyang pagbabalik. Kahit kuripot ka, pakainin sa class na restaurant ang kasuyo. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Uunlad ka kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong mga pagkakamali. Kapag na-realized mo na may mga pagkukulang ka sa iyong kasuyo, humingi ka ng “sorry”. Sa ganyang paraan muling iinit ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.” Yellow at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – May magandang kapalarang darating kung ang araw na ito ay sasalubungin ng may ngiti at galak sayong puso. Batiin nang buong galak ang mga nakatataas sa ‘yo upang umentuhan ka nila ng dagdag na suweldo. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril hanggang sa katapusan ng Mayo, darating na ang suwerte mo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay, magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Wag mo na ring pakawalan ang isang Virgo, yapusin mo siya ng todo. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa pag-ibig at pinansyal, panatiliin ang pagpapakumbaba, upang mas madaling yumaman at lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Yoga-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending