Willie matindi pa rin ang karisma sa masa | Bandera

Willie matindi pa rin ang karisma sa masa

Cristy Fermin - April 10, 2015 - 03:00 AM

WILLIE REVILLAME INQUIRER

WILLIE REVILLAME INQUIRER

NAPAKAAGA pa ay makikita na si Willie Revillame sa ginagawang studio sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa Kyusi. Kailangan niyang tutukan ang bawat detalye sa paggawa dahil ‘yun na ang magiging tahanan ng bago niyang show sa GMA 7.

Biglang mabubuhay ang lugar dahil sa Wowowin, sa May 10 nang hapon ay siguradong magbabago na ang mga kaganapan du’n dahil sa mga kababayan nating susugod para iwelkam ang matagal na nilang kinasasabikang si Willie.

Sabi ng isang kaibigan naming inip na inip na sa pagbabalik-telebisyon ng aktor-TV host, “Bakit nga ba ganu’n? Kung kailan naman malapit na siyang bumalik, saka pa ako inaapuntahan ng pagkainip?

“Nakapaghintay nga ako nang mahigit na isang taon, miss na miss ko ang show, pero kung kailan malapit na ang May 10, saka pa ako nagkakaganito?

“Sa lugar namin, si Kuya Wil talaga ang tinututukan, makikita mo ang TV sa lahat ng mga hilera ng bahay, sa kanya nakatutok, ganu’n katindi ang charisma niya,” masayang kuwento ng aming kaibigan.

Ilang tulog at gising na lang at May 10 na! Konting panahon na lang at Wowowin na! Uulan na naman ng mga jacket, cellphone at cash sa pagbabalik ni Willie Revillame!

Ngayon pa lang ay nagpaplano na ang kanyang mga tagasuporta, ang mga magmumula pa sa malalayong probinsiya ay kumukuha na ng reservation para sa unang sultada ng Wowowin, ang programang para naman talaga sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending