PGMA pakitang tao?, Relief goods = campaign materials at Judge Ralph Lee - bayani | Bandera

PGMA pakitang tao?, Relief goods = campaign materials at Judge Ralph Lee – bayani

- October 02, 2009 - 01:40 PM

TINGNAN mo itong asal ng ating mahal na Pangulong Gloria.
Inatasan niya na buksan ang Malakanyang sa mga biktima ng malaking baha noong Sabado upang maging evacuation center.
Pero nainis siya nang makita niya kinabukasan ang mahabang linya sa labas ng bakuran ng Palasyo.
Ano ba talaga, Ate?
Press release lang ba yung utos mo na gawing isang evacuation center ang Malakanyang?
Kung ang utos mo ay hindi pakitang-tao, bakit ka nainis nang nagtutulakan ang mga tao sa labas ng Malakanyang upang makapasok?
Palibhasa ipinanganak kang mayaman hindi mo naiintindihan ang mahihirap.
Tandaan mo na ang tatay mong si Pangulong Dadong ay nag-umpisa sa mahirap at kaya lang naging maluwag na ang buhay dahil sumali sa politika.
Nang ikaw ay ipinanganak ay congressman na ang iyong ama.
Noong Pangulo si Cong Dadong ay di niya nakalimutan ang kanyang pinagdaanang kahirapan.
Di kita masisisi dahil may pinagmanahan ka, at hindi sa iyong ama.
*                *                               *
Kung ibig ninyong makatulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng baha, siguraduhin lang na ang inyong mga pagkain, damit, banig o kumot ay ibinibigay sa tamang ahensiya.
Magbigay sa mga reputable private institutions gaya ng mga malalaking radio-TV networks o sa Philippine Daily Inquirer, sa Philippine National Red Cross (PNRC) at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
If you can help it, huwag ipadaan ang inyong mga relief goods sa mga politicians dahil baka gawin lang na campaign materials ang mga ito.
Baka pagdating sa mga flood victims, ang inyong relief goods ay may tatak na: “Mahal kayo ni Congressman Hambug.”
At bakit nga ba na may mga tao na kapag sila’y nagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong, bakit may kasama pang photographer o camera man?
Di ba alam ng mga taong ito na nawawala ang grasyang darating sa kanila kapag ipinaalam nila sa madla na sila’y tumulong?
*                     *                             *
Alam ba ninyo na kapag kayo ay nagbigay ng tulong sa mga kapus-palad ng taos-puso, malaki ang balik sa inyo?
Kung ano ang iyong ipinunla, siya mo ring aanihin.
In fact, the reward for your generosity or kindness to the helpless will be 10 times, even a hundred times more.
The reward will come at a time na di mo inaasahan.
The reward may take many forms, hindi lang pera.
Maaaring tagumpay sa iyong trabaho o negosyo, improved health, o maligayang pamilya ang magiging balik sa iyo sa pagtulong mo sa iyong kapwa na kapus-palad.
Hindi mo na kailangang hintayin pa ang gantimpala sa iyo sa Langit dahil makukuha mo ang gantimpala dito sa lupa.
*                *                               *
Tandaan ninyo ang pangalang ito: Quezon City Judge Ralph Lee ng Regional Trial Court Branch 83.
Si Lee ay nagligtas ng 100 katao sa kasagsagan ng baha noong Sabado sa Sta. Monica, Novaliches.
Ginamit niya ang kanyang jet ski upang iligtas ang mga kapitbahay na nasa bubong ng kanilang mga bahay.
Lee drove from his home in Fairview, Quezon City upang tulungan ang mga tao na malayo sa kanyang tahanan.
Hila-hila ng kotse ni Judge Lee ang kanyang jet ski upang makarating sa Novaliches.
Ipupusta ko ang buhay ko na may magandang suwerte na darating sa buhay ni Judge Lee sa kanyang ginawa.
Ayaw kong pangunahan ang Sanlibutan kung ano ang gantimpala na nakalaan kay Judge Lee.
Hindi ko personal na kakilala itong si Judge Lee, pero narinig ko na siya’y likas na matulungin sa kapwa.
Judge Lee, isa kang tunay na bayani!

Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 100109

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending