WALANG problema si Manny Pacquiao kung kondisyon ng pangangatawan ang pag-uusapan.
Ito ang sinabi ng batikang trainer na si Freddie Roach patungkol sa 8-division world champion tatlong linggo na lamang bago ang mega fight kontra kay Floyd Mayweather Jr.
“Manny is a freak,” wika ni Roach sa ESPN. “He is in top condition. He runs and his condition…we don’t have to worry about that.”
Mas mataas na ang antas ng paghahanda ng pambansang kamao pero patuloy pa rin ang ipinakikita nitong intensity at walang kapaguran na sinusunod ang lahat ng ipinagagawa ng batikang trainer.
“I think he has the better skill set of the two (compared to Mayweather) at this stage in their careers. I think he’ll win with movement, by the number of punches that he throws, and I think his foot speed is a lot better,” segunda pa ni Bob Arum ng Top Rank.
Ang footwork ang siyang numero unong sinasandalan ni Roach na magiging bentahe ni Pacquiao laban kay Mayweather na hindi pa natatalo sa loob ng 47 laban.
Taong 2008 nang unang sumubok si Pacquiao sa 147-pound division at tinalo niya si Oscar De La Hoya. Pero noong 2010 tuluyan siyang nanatili sa timbang na ito at ang mga karanasan na nakuha ang makakatulong para maipalasap kay Mayweather ang kanyang kauna-unahang pagkatalo
“Manny’s footwork and hand speed are still the best in the game and though I still consider him a small welterweight, Manny now have more years experience fighting at the welterweight level .
The 2015 Manny is going to fight the perfect fight and I have all the confidence in the world that Manny is going to knock Floyd out,” ani Roach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.