Benjie, Kobe personal na bumisita kay Pacman sa US
Dinalaw at nakipag-bonding si Benjie Paras sa kanyang anak na si Kobe sa Los Angeles, California kung saan ito gumagawa ng sariling pangalan sa larangan ng basketball.
Miyembro ng LA Purple Ghosts si Kobe at nag-aaral ngayon sa Cathedral High School sa US. Siyempre, proud na proud ang komedyante at dating PBA player sa anak dahil nga unti-unti na itong sumisikat bilang cager – at sa Amerika pa.
“Obviously as a player he really excelled a lot and not really being an athlete or doing well in basketball, outside the court he’s really different now. He’s more mature and very much independent,” chika ni Benjie tungkol kay Kobe sa isang interview.
Sabat naman ni Kobe, “It’s cool I miss him a lot. It’s been hard without him but I’ve learned to be dependent on myself. So it’s been a pretty cool experience so at least when he’s here now may maglalaba na sa akin.”
Base sa napanood na mga practice ng team ni Kobe, napakalaki na ng improvement sa basketball skills ng binata, “When he was still in the Philippines studying he’s just an average student and right now I’m really proud of him.
He’s part of an honor list. I’m really proud of him and that’s what I told him, ‘basketball is not forever’.” Bukod sa pagbisita kay Kobe, nasa US din ngayon si Benjie para mag-recruit ng potential players para sa San Beda.
Samantala, sinamantala na rin ng mag-ama ang pagkakataon na madalaw ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa training camp nito sa LA kung saan ito nag-eensayo para sa nalalapit na laban nila ni Floyd Mayweather.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.