outbrain

Willie sasagupa sa The Buzz nina Boy at Kris

By Julie Bonifacio April 02,2015
share this

Willie sasagupa sa The Buzz nina Boy at Kris

By Julie Bonifacio April 02,2015
share this

boy abunda

AS of this writing, kanya-kanya nang gora sa bakasyon ang favorite showbiz celebrities natin. Pero ang King of Talk na si Boy Abunda and Queen of All Media na si Kris Aquino mas pinili ang mag-stay na lang dito sa Pinas.

Although, ang alam namin for the past so many years, laging nagpupunta sa Boracay si Kuya Boy kapag Holy Week.Kris naman is always out of the country kaya siguro mas pinili niya na magtika-tika muna ngayong Semana Santa.

While Kuya Boy has a trip ngayong April either sa Ichon, Korea or sa Alaska. Maybe he stopped na rin because of her mom na si Nanay Lesing.

Mas feel pa ata ni Kuya Boy ang puntahan ang bahay niya sa Tagaytay na binili niya for her mother na hindi na kinakaya ang matinding init ng panahon.

At para mabisita naman ni Kuya Boy ang bahay niya sa Tagaytay na months na ata na hindi niya napupuntahan. Also, baka sumegway na rin siya ng pasyal sa hotel ni Willie Revillame sa Tagaytay para tuparin na rin ang naipangako niya sa controversial TV host.

Incidentally, kalat na ang balita sa pagbabalik ni Willie on TV sa GMA with his new show Wowowin. At ang kabuntot na balita ay tatapatan ng Wowowin ang show nina Kuya Boy, Kris at Toni Gonzaga sa ABS-CBN na The Buzz.

Hindi naman isyu tiyak for Kuya Boy and Willie na magkatapat ang show nila lalo pa’t magkaiba naman ang format ang kani-kanilang mga programa.

Anyway, ang iba pang stars na alam namin na dito lang sa Pinas magho-Holy Week ay ang pamilya Atayde – Sylvia Sanchez, her hubby Art and their kids Ria, Gela, Xavi and Arjo.

They will spend Holy Week sa kanilang vacation house sa Punta Fuego sa Batangas. Noong 2005 pa raw nila nabili ang lupa sa Fuego and then last year nila pinatayuan ng bahay.

That makes Sylvia and Art’s third house, excluding ‘yung condo units nila at ‘yung para sa relatives nila sa province. Tahimik namang nag-celebrate ng wedding anniversary sina Sylvia at Art sa kanilang bahay last March 27.

Kailangan pa kasi ni Art ng complete rest at hinay-hinay muna sa pagpapakapagod after his major operation kamakailan.
Parang kailan lang when we attended their lavish wedding ceremony sa La Vista Hotel overlooking Taal volcano sa Tagaytay.

Maraming kilalang personalities from politics, showbiz and business world ang naghalu-halo na mga bisita nina Art and Sylvia.
And now, still going strong and deeper ang relationship ng parents ni Arjo kaya looking forward kami sa celebration ng kanilang silver anniversary.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending