Romero vs Romero, ama laban sa anak | Bandera

Romero vs Romero, ama laban sa anak

Ramon Tulfo - March 31, 2015 - 03:00 AM

IKINUMPARA ni Vice President Jojo Binay ang kanyang sarili kay Lee Kwan Yew, ang ama ng Singapore, na pumanaw kamakailan.

Para namang inihahambing ng isang tricycle ang kanyang sarili sa isang high-end Mercedes Benz.

Pakinggan natin ang sinabi ni Binay sa paghahambing niya sa kanyang sarili kay Lee Kwan Yew:

“His political will and pragmatic approach to governance was an inspiration in rebuilding Makati after the 1986 Edsa Revolution from a bankrupt municipality to the country’s premier city providing unparalleled social services to its constituents.”

Ang kapal!

What was there to rebuild in Makati when it was already economically bustling and vibrant bago pa man si Binay ay naging officer-in-charge noong 1986?

Naging maunlad at mayaman ang Makati dahil kay Mayor Nemesio Yabut, isang matagumpay na negosyante.

At dahil nakakaintindi si Yabut sa kalakalan, Makati attracted more investors and big business corporations na gawing headquarters ang Makati.

Ang inyong lingkod ang makakapagpatunay dito dahil nagkober ako ng Makati bilang correspondent ng Times Journal, na ngayon ay wala na.

Ang bulinggit na si Binay, noong bago siya bilang mayor ng premier city, ay ginagaya ang lakad at pag-uugali ng matikas na si Yabut.

Mahal si Yabut ng kanyang mga constituents dahil hindi siya nagnakaw ni isang kosing sa munisipyo gawa nang siya’y isang bilyonaryo.

Kung tatanungin mo ang mga Makati City Hall oldtimers, sasabihin nila sa iyo na pinupunuan muna ni Yabut ang mga gastusin ng bayan kapag kailangan ito ng madalian.

(Para siyang si Palawan Gov. Pepito Alvarez, isa ring bilyonaryo na pinupunuan muna ang gastusin ng lalawigan kapag nagkulang ng pondo sa mga proyekto ng probinsiya)

Dahil hindi magaya ni Binay si Yabut, nagpatotoo siya at nagmukhang kawawa ang anyo kaya’t napamahal sa kanya ang mga mahihirap ng Makati.

At dahil nanggaling si Binay sa pagiging dukha, alam niya na mababaw ang kaligayahan ng mga mahihirap, gaya ng pagbigay ng birthday cake at pag-aabot ng mga groceries tuwing Pasko.

Ang hindi alam ng mga mahihirap ay ginigisa sila sa sarili nilang mantika dahil ang mga binibiling mga cakes at groceries sa kanila ay nanggaling sa pera ng taumbayan.

Anak, igalang mo ang iyong magulang.

Ang mensaheng ito, na hango sa Sampung Utos, ay dapat makara-ting kay Michael “Mikee” Romero, panganay na anak ng tycoon na si Reghis Romero II.

Ang ama at anak ay nag-aaway sa liderato ng Harbour Centre Port Terminal Inc. (HCPTI), nagmamay-ari ng pinakamodernong port facility sa bansa.
Si Reghis ay chairman ng HCPTI at si Mikee ay president at CEO nito.

Noong 2013, personal na nag-takeover si Reghis sa HCPTI dahil sa di pagkakaunawaan niya sa kanyang anak tungkol sa pagpapatakbo ng kumpanya.

Dito nag-umpisa ang away ng mag-anak for control of the company.

Ang away ng mag-ama ay naging mas pa-ngit nang mga armadong kalalakihan ay nagtangkang agawin ang HCPTI sa pamamahala ni Reghis.

Hindi naging matagumpay ang tangka ng takeover.

Dahil inaaway niya ang kanyang ama, sira na si Mikee sa buong madla.

Likas sa ating mga Pinoy na igalang ang
ating mga magulang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil inaaway niya ang kanyang ama dahil sa pera, sino pa kaya ngayon ang magtitiwala sa kanya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending