Vice Ganda: Hindi ako insecure kay Alex! | Bandera

Vice Ganda: Hindi ako insecure kay Alex!

Ervin Santiago - March 25, 2015 - 05:50 PM

vice interview

HUNGHANG lang ang nagsasabi na insecure si Vice Ganda kay Alex Gonzaga. Ito ang mariing sinabi ng Phenomenal Box-Office Star sa gitna ng isyu sa magaganap na concert nila ni Alex Gonzaga.

Dinenay ni Vice ang kumakalat na chika na may silent war sila ni Alex dahil sa mga kuwentong mas pinapaboran ng ABS-CBN ang bagong major concert ni Vice sa Araneta Coliseum kesa sa show ni Alex na gaganapin din sa Big Dome. Sey ng TV host-comedian walang dahilan para magkaisyu sa pagitan nila. “Isa si Alex sa matatalik kong kaibigan, isa ako sa mga sumusuporta sa concert niya, kaya kung may issue kami di sana hindi siya makakapag-promote sa GGV,” ani Vice. Sa katunayan siya pa ang kakanta ng theme song ng seryeng Inday Bote nina Alex, Matteo Guidicelli at Kean Cipriano. Iniisyu rin kay Vice ang early promo ng kanyang concert kaya sinasabing insecure siya kay Alex. Sa May 22 pa ang concert ni Vice na may titulong “Vice Gandang-Gandang Sa Sarili Sa Araneta: Eh, Di Wow” at ngayong April na ang show ni Alex. Pero chika ng komedyante, “Wala akong nakikitang masama sa maagang promo, kasi siyempre, nakakatakot din kapag hindi ko napuno ang Araneta, kaya dapat magsipag sa promo para maraming manood. “Pero kasi aalis din ako papuntang US dahil may show din kami doon. At doon na rin ako magbe-birthday kasama ang nanay ko.,” sey pa ni Vice.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending