Enrique, Liza ka-level na sina Daniel at Kathryn
BONGGA talaga ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano ng phenomenal hit series na Forevermore na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.
Dahil sa kasikatang tinatamasa ngayon ng dalawang Kapamilya stars, sila ang napili ng mga bossing ng network na kumanta ng theme song ng 2015 ABS-CBN summer station ID na may titulo ngang “Shine Pilipinas.”
Sa official Instagram ni Enrique, nag-post ang binata ng isang litrato nila ni Liza habang nagre-record ng nasabing kanta. Ilang pictures pa ng magka-loveteam ang kumalat kahapon sa socal media na kuha habang nagre-rehearse pa sila bago ang recording.
Kung mapapansin, puro mga sikat na Kapamilya stars ang kumakanta ng summer station ID ng ABS-CBN, kaya naniniwala kami na tanggap na tanggap na ng network ang sobrang kasikatan ngayon nina Agnes at Xander – ang mga karakter nina Liza at Enrique sa Forevermore.
Noong nakaraang taon naman, ang Teen King and Queen nga ang kumanta ng theme song ng summer station ID ng istasyon na hanggang ngayon nga ay patuloy na humahataw ang career.
Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Forevermore, asahan ang mas marami pang kilig moments sa pagitan nina Agnes at Xander. Sabi nga ng dalawang bagets, huwag na huwag bibitiw ang mga manonood dahil mas marami pang kapana-panabik at nakaka-inspire na eksena ang handog nila sa viewers.
Kasama pa rin siyempre sa Forevermore sina Irma Adlawan, Joey Marquez, Diego Loyzaga, Lilet, Zoren Legaspi at marami pang iba, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.