Nakakaraming Pinoy pabor sa divorce
Leifbilly Begas - Bandera March 23, 2015 - 03:07 PM
Sa survey noong Disyembre, lumabas na 60 porsyento (38 porsyentong strongly agree at 22 porsyentong somewhat agree) ang pabor na sa divorce para sa mga mag-asawang hiwalay na at hindi na maaaring magkasundo pa.
Ang mga hindi naman pabor sa diborsyo ay 29 porsyento (21 porsyentong strongly disagree at 8 porsyentong somewhat agree). Ang undecided naman ay 11 porsyento.
Sa 1,800 respondents, 63 porsyento ang may-asawa, 16 porsyento ang live-in at 21 porsyento ang single.
Mas marami naman ang mga lalaki sa respondent na pabor sa divorce– 62 porsyentong pabor, 26 porsyentong hindi pabor at 11 porsyentong undecided.
Sa mga sumagot na babae, 57 porsyento ang pabor, 32 porsyento ang hindi pabor at 11 porsyentong undecided.
Ginawa ang survey mula Nobyembre 27-Disyembre 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending