PH SuperLiga all-Pinoy conference bubuksan | Bandera

PH SuperLiga all-Pinoy conference bubuksan

Mike Lee - March 21, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
1:30 p.m. Opening Ceremony
2:30 p.m. Cignal vs Foton
4:30 p.m. Philips Gold vs Petron

BUBUKSAN ng Petron Lady Blaze Spikers ang kampanya para sa ikalawang sunod na titulo sa pagharap sa baguhan pero malakas na Philips Gold Lady Slammers sa pagsisimula ng Philippine SuperLiga All-Filipino Conference ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinutukoy ang Grand Prix champion Lady Blaze Spikers bilang team to beat matapos makuha ang mga mahuhusay na manlalaro para isama sa mga datihan sa pangunguna ni 6-foot-4 Dindin Santiago-Manabat.

Nasa koponan na sina Rachel Ann Daquis at Aby Marano bukod kay Fil-Am Alexa Micek para dagdagan ang arsenal ng tropa ni coach George Pascua.

“Advantage sila sa amin pero kailangan pa rin tingnan kung saan sila mag-fit sa team para ma-maximize ang kanilang talents,” wika ni Pascua.

Hindi pahuhuli ang Lady Slammers na nakuha bilang top pick sa rookie draft ang 5-foot-8 setter na si Iris Tolenada.

Si Tolenada ay dating MVP sa California Collegiate Athletic Association at ang kanyang husay bilang isang setter ay makakatulong para gumana ang mga spikers na sina Myla Pablo, Desiree Dadang at Michelle Gumabao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending