Toni, Coco parehong nagsimula sa pagiging extra | Bandera

Toni, Coco parehong nagsimula sa pagiging extra

Ambet Nabus - March 21, 2015 - 02:00 AM

toni gonzaga
Going back to “You’re My Boss”, ito nga ang kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nina Toni at Coco Martin. Wish talaga ni Toni na makagawa ng movie with Coco bago pa man siya magpakasal kay Paul Soriano this year.

“Feel-good movie ito. Simple ang plot about a boss and a messenger na mapipilitang magpalit ng posisyon sa kumpanya niya para maisara ang isang malaki at importanteng business deal, pero in the process ay nagkainlaban,” sey ng direktor nitong si Antoinette Jadaone.

Nakilala si direk Jadaone sa mga hugot lines na pinauso niya sa super successful movie nilang “That Thing Called Tadhana” kaya’t umaasa din ang mga manonood na dala-dala ng “You’re My Boss” ang tatak niyang ito. Ipalalabas ang movie ngayong April 4 under Star Cinema.

Nakakatuwa ang kuwento nina Coco at Toni tungkol sa pagi-ging extra nila noon sa isang teleserye, “Siguro meron kaming common story na nakakatuwa.

Nalaman na lang namin dahil siyempre ‘pag nagse-setup, hindi na kami bumabalik sa tent, nag-uusap na lang kami sa gilid,” ani Coco. “Nakakatuwa kasi doon sa isang teleserye na nag-talent ako, nag-talent din pala siya.

Sabi ko, ‘Bakit hindi tayo nagkita? Hindi nga?’ Nag-uusap kami, sabi ko, ako yung barkada nung isang artista.”Sabi niya, ‘Ha? Ako naman yung barkada nung isang artista.’ “Magkahiwalay siguro yung set namin.

Nakakatuwa, kasi yung common denominator namin is really that we started from the bottom,” pagbabalik-tanaw pa ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending