Julia Barretto: Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa! | Bandera

Julia Barretto: Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa!

Ervin Santiago - March 19, 2015 - 02:00 AM

julia barretto inigo
WALA nang mahihiling pa si Julia Barretto sa ngayon kung showbiz career lang ang pag-usapan. Dedma lang siya sa mga nagsasabing nahigitan na siya ng popularidad ng mga kasabayan niya sa ABS-CBN tulad nina Liza Soberano at Janella Salvador.

Ayon kay Julia, nararamdaman pa rin niya ang pagmamahal at pagpapahalaga ng Kapamilya network sa kanya kaya wala siyang mairereklamo sa kanyang mother station, lalo na ngayong malapit nang simulan ang bago niyang teleserye sa Dos, ang And I Love You So.

Makakasama ni Julia rito ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo at ang dating child star na si Miles Ocampo na dalagang-dalaga na rin ngayon. Ang nasabing serye ang masasabing biggest break ni Miles simula nang mag-artista siya habang ito naman ang kauna-unahang soap opera ni Iñigo.

“What more can I ask for?” ani Julia nang tanungin kung happy ba siya sa takbo ng career niya sa ABS dahil nga halos isang taon din ang lumipas bago nasundan ang huling serye niyang Mirabella.

Sey pa ni Julia, who turned 18 last March 10, mas challenging daw ang And I Love You So sa Mirabella, “Kasi my shifting sa character ko this time, mas may konek sa akin as Julia. Malalim talaga ‘yung character.”

Nang tanungin naman ng mga reporter sa ginanap na pocket presscon ng And I Love You So nu’ng Martes, tungkol sa pagbabati ng kanyang inang si Marjorie at sisteraka nitong si Claudine na muling nagkita sa kanyang debut, tumanggi na ang dalaga na magkomento.

Aniya, hindi na raw niya isyu ‘yun kaya wala siyang karapatang magsalita about it. Samantala, para naman kay Miles, isang napakalaking blessing ng pagkakasama niya sa nasabing serye kung saan makakasama rin nila ang ilang award-winning actors sa local showbiz.

“Kinakabahan ako pero sobrang thankful kasi habang lumalaki ay sa sitcom ako nalagay. Pero ngayon nabigyan ako ng opportunity ng Dreamscape (Entertainment) na gumawa naman ng iba,” ani Miles.

“Pinapangako ko na gagawin ko ang best ko na maiba ‘yung gagawin ko sa mga nagawa ko dati. Dito may lalim ang character ko. Magugulat kayo. Gagawin ko ang best ko,” chika pa ng dalagita na unang sumikat sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

At dahil nga ito ang unang teleserye ni Iñigo, inamin nito na ngayon pa lang ay kinakabahan na siya, pero mas lamang pa rin daw ang excitement dahil alam niyang marami siyang matututunan sa susunod niyang project sa ABS-CBN.

“I’m gonna put my musical background and my acting together kasi ‘yung character ko dito he is a musician. I’m really happy that I will be able to put that part of my life in this (project),” ani Inigo.

Hirit pa nito, “I’m super excited na makatrabaho uli si Julia and first time naman namin ni Miles. Pero si Miles kilala ko siya Mangarap Ka days pa lang (dating soap ni Piolo).

Si Julia naman I met years ago dito. Sobrang excited ako to work with them. So, sabi nga ni Julia, we need teamwork.”
Ang And I Love You So ay ididirek ni Don Cuaresma, sey nga ni direk tungkol sa bago niyang serye, “A drama with a wit. It’s about family, friendship, love and betrayal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang milieu niya may mahirap at mayaman at hotelier ang pamilya, so heaven and earth.”  Ka-join din sa And I Love You So sina Luke Jickain, Raymond Bagatsing, Dante Rivero, Bing Loyzaga, Dimples Romana, Jay Manalo at Angel Aquino. Magsisimula na ito very soon sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending