Kasalang Ai Ai delas Alas-Gerald Sibayan susunod na | Bandera

Kasalang Ai Ai delas Alas-Gerald Sibayan susunod na

Julie Bonifacio - March 16, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

SA di inaasahang pagkakataon ay nakita namin ang biniling bagung-bago na condo unit ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas para sa kanyang panganay na anak na si Sancho Vito sa may Eastwood City sa Libis, Quezon City.

Kami man ay namangha sa laki at ganda ng condo na nasa 23rd floor ng bagong building sa Eastwood. Sa labas ng pintuan ay may nakalagay na malaking signage na, “Welcome! Sancho Vito delas Alas.”

That day pala ang turnover ng condo na binili ni Ai Ai three years ago. Maging ang Comedy Queen ay na-shock na ganoon kaganda at kalaki ang unit. Pre-selling pa lang kasi nu’ng kinuha niya ang condo.

So, you could just imagine kung gaano na kalaki ang halaga ng unit pagkatapos maitayo ang building. Mala-townhouse ang hitsura ng loob ng unit.

May second floor kung saan may dalawang bedrooms with matching split-type aircons bawat room. Sosyal ang banyo dahil may bath tub, huh!

Pagpasok pa lang ng unit maa-amaze ka na sa laki ng sala overlooking ang buong Marikina at iba pang kalapit na bulu-bunduking bayan. Sa bandang kaliwa pagpasok ay nandoon naman ang built-in kitchen na may malaking electric oven.

Katabi ng kitchen ang CR para sa mga bisita. Dito na raw magsisimula si Sancho ng kanyang “independence.” Bukod kay Sancho, nabilhan na rin ni Ai Ai ng bahay ang kanyang dalawang anak na sina Sofia at Nicolo sa Amerika.

Pinakita niya sa amin ang hitsura ng bahay nila sa US at napa-wow na lang kami! Sa labas pa lang ay kita na ang laki at ganda ng loob. Nalaman din namin na may five bedrooms ang bahay nila sa US.

Gusto ni Ai Ai na maiaayos na buhay ng kanyang mga anak especially ngayong nasa tamang edad na silang lahat. Konting panahon na lang ay magkakaroon na rin ng sariling pamilya ang kanyang mga anak.

Mabuti na lang daw at nandiyan si Gerald Sibayan na kasama niya ngayon. Or else, mag-iisa na lang siyang namumuhay ngayon. Let’s wait na lang kung kelan naman siya magpapakasal para makumpleto na ang kanyang happiness.

From there, biniro na lang naming si Ai Ai, sabi namin sa kanya, buti pa si Sancho nag-uumpisa pa lang sa kanyang showbiz career, e, meron na agad bonggang investment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending