Matet ayaw nang makatrabaho si Ate Guy: Natatakot ako sa kanya!
Limang buwang buntis pala ngayon si Matet de Leon courtesy of her basketball player husband Mickey Estrada, pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya sa GMA. Kasali si Matet sa seryeng InstaDad na pagbibidahan ni Gabby Eigenmann.
Tatlong babae na ang anak ng aktres at base sa ultrasound ay girl uli ang susunod na baby nila ni Mickey. Kung hindi kami nagkakamali, may anak na sana silang lalaki pero namatay ito limang araw makaraang isilang noong 2005.
Sa presscon ng InstaDad natanong si Matet kung paano ang magiging trabaho niya sa nabanggit na serye kapag nanganak na siya, “’Eto nga, napakabait ng InstaDad (production).
Kasi ito, itong InstaDad, kinuha nila ako, hindi pa ako buntis. Tapos after a few months, akala ko hindi na tuloy. Ngayon, tumawag sila sa akin ulit, sinabi na iyon nga, magte-taping na.
“Sabi ko, ‘Buntis na po ako!’ Kung tumatanggap ba sila ng buntis? ‘Sandali lang, babalikan ka namin.’ Alam mo, wa’ sila paki, wala silang pakialam,” kuwento ni Matet. “Pagkapanganak ko, bibigyan lang nila ako ng a few… kung ilang ano ang gusto ko, kung gaano.
Like, sabi ko, bigyan nila ako ng two weeks, ganyan, three weeks, makabalik lang ako sa sarili kong utak, e, magte-taping na ako ulit,” esplika pa ng aktres.
Samantala, proud na proud muli si Matet sa kanyang inang si Nora Aunor dahil sa sunud-sunod na pagkakapanalo nito bilang Best Actress (Gawad Tanglaw, Star Awards for Movies, at PASADO Awards kung saan ka-tie pa niya ang sarili) para sa mga pelikulang “Dementia” at “Hustisya.”
Ano ang reaksiyon niya rito, “Good! Penge naman akong isa,” biro ni Matet. “Iyon ang comment ko, penge naman akong isa. Magtataka pa ba tayo? Magaling si Mommy kasi talaga.”
Inamin naman ni Matet na hangga’t maaari ay ayaw na niyang makatrabaho ang nanay niya, huli pa silang nagkasama sa mga pelikulang “Sa Dulo Ng Walang Hanggan” at ‘tsaka “Bunsong Kerubin”, “Ayoko nang maulit, hindi ko kaya! Hindi kaya ng dibdib ko! Natatakot ako kay Mommy, e. Hindi ko siya matingnan, e.”
“Takot lang ako sa kanya. Parang maaano ka, e. Kahit nanay ko kasi siya…ano, hindi pala takot, intimidated. Yung ganun!” natatawa pang kuwento ni Matet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.