Beauty Gonzales: Zanjoe Marudo na ‘yun, aarte pa ba ko!?
Usong-uso nga yata sa mga teleserye ngayon ang pagiging bida ng mga daddy, tatay, ama at kung anu-ano pang tawag sa kanila. Very evident ito sa Dream Dad, ang soap na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo na mukhang na-rediscover ang husay sa father roles.
Nagsimula siyang maging very wholesome sa Anna Liza at dahil likas sa hunk actor ang pagkakaroon ng karisma sa mga bata, especially sa mga batang babae, hindi na nakakagulat kung successful din ang pagganap niya bilang si Baste o si President sa Dream Dad.
Top-rating ang show na nabanggit at mukhang magkakaroon pa ito ng extension dahil sa magandang performance sa ratings game. At dahil very family-oriented at puno ng magaganda at positive values ang show, “Ang feeling ko talaga, pang-tatay na ako at parang mahirap nang tumanggap tuloy ng ibang roles tulad ng ginagawa ko noon,” sey ni papa Z sa thanksgiving presscon ng programa kamakailan.
Sa naturang teleserye ay hindi mo rin aakalaing magkiklik ang tandem nila ni Beauty Gonzales, ang noo’y laging supporting lamang sa mga soap opera at pelikula.
Sey nga ni Beauty, “Bukod sa maganda ang show at very wholesome and positive, siguro nag-swak lang yung karakter ko sa pag-develop ng istorya. Maybe, that’s also the price ng paghihintay.
Matiyaga lang po siguro ako at salamat naman at nagbunga. But still, everything is a group effort. Kung hindi rin siguro maganda ang materyal, baka wala rin.”
Hirit pa ng dati ring PBB housemate tulad ni Zanjoe nang tanungin kung ano ang feeling ngayong may mga sweet and intimate scenes na sila ni Baste sa serye, “Sino ba naman ako para mag-inarte pa sa isang Zanjoe Marudo, di ba?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.