Home visit para sa SSS pensioner | Bandera

Home visit para sa SSS pensioner

Liza Soriano - March 14, 2015 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line.

Masugid po akong nagbabasa ng iyong column. Noong June 2014 ay nasuspinde ang pension ng father ko sa SSS pero naayos na naman namin ang mga kinakailangang requirement gaya nang pag submit ng picture ng father ko na may dated na newspaper dahil bed ridden na po siya.

Sa katunayan ay ngayon lamang Feb 2015 naipadala ng mga na-pending na check. Ask ko lang po dahil ngayong March ang birth month ng father ko, kailangan po ba na i-comply muli ang requirements kahit na kakatanggap lamang namin ng mga check. Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Salamat po.

Agnes Perez
San Jose,
Navotas City

REPLY: Pinapayuhan si Bb. Perez na agad na magtungo sa pinakamalapit na SSS branch para i-comply ang kinakailangang requirements gaya ng medical certificate. Kung bed ridden na o nakaratay sa karamdaman maaari siyang bisitahin ng SSS.

Layunin lamang nito ay upang matiyak na buhay pa ang pensioner.

Dahil ngayon ang birth month ay mas mainam na gawin na agad ang compliance ng mga requirements upang hindi mahinto o masu-spinde ang kanyang pension.

Patuloy namang nanawagan ang SSS sa lahat ng pensioners na mag-undergo sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) kada taon tuwing kanilang birth month o buwan ng kapanganakan upang masiguro ang patuloy na pagtanggap ng monthly pension.

Ang mga pensioners ay kinakailangang magsumite ng ACOP form sa pinakamalapit na SSS office sa kanilang depository band upang maiwasan ang suspension sa kanilang monthly pension.

Maaari rin naman na mag request ng home visit para sa pensioners lalo na sa mga nakaratay na sa karamdaman. Mag-submit lamang ng request para sa home visit o mag email sa [email protected] o [email protected]
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending