By: Jobert Sucaldito
Feeling sikat, wala pa namang napatutunayan
KAILAN lang ba sumikat nang husto itong mahusay nating singer na si Angeline Quinto?
Noong manalo siya sa Star Power hosted by ex-Kapamilya Sharon Cuneta, di ba?
In fairness to the girl, belter talaga – magaling talagang kumanta.
No doubt or question about that but what’s this we heard na nagkaka-attitude na ang bata?
Pa-difficult na raw kasi ang dalaga sa kanyang mga shows, at ‘yung dating kasimplehan niya sa buhay ay mabilis ding pinagbago ng panahon. How true?
Well, I think so too. Hindi man kami close kay Angeline Quinto dahil first time ko lang naman siya nakita in person when we bumped into a show two weeks ago sa Isabela. Kapistahan ng lalawigan ng Isabela kung saan naimbitahan ng grupo ni Gov. Bojie Dy si Angeline.
She wasn’t part of my team – but we were together in the same event last May 10.
Ang dala kong artists ay sina Pangga Jimmy Bondoc, matinee idol Matteo Guidicelli, my new concert heartthrob baby na si Michael Pangilinan, comedienne Boobsie Wonderland and the dancing queens, the Sexbomb Girls.
We were billeted in the same hotel, sa Andrea Hotel, in Cauayan, Isabel. Since ako ang nanay-nanayan ng grupo (being the older one and organizer of the performing artists except for Ms. Angeline), I took care of their hotel needs.
In short, isinama ko na si Angeline sa pangangalaga ko as far as food is concerned and her land transport dahil she shares the coaster with Matteo.
I advised the artists to come down at 7:30 p.m. for dinner, we ordered food sa restaurant for everyone para isang orderan na lang. Kumbaga, malasakit ng konti sa organizers.
Kahit sabihin pa nating gobernador naman ang nag-imbita, pinagmamalasakitan din natin sila at dapat lang, di ba?
The fact na hindi naman nila tayo ginugutom, hindi naman puwedeng abusuhin sila.
Anyway, one more thing is may prior arrangement na susunduin kami ng 8:15 p.m. para dalhin sa venue dahil may kalayuan nga ito sa hotel namin, kaya tinatantiya namin ang oras ng dinner hanggang sa pagsakay ng respective rides namin para sabay-sabay makarating doon.
I made calls before 7 p.m. to remind them of the 7:30 p.m. dinner sa hotel resto.
And yes, lahat ng artists at staff namin ay nandoon na sa resto maliban maliban kay Angeline.
I called her room just to find out from her handler that she ordered na pala her own food dahil hindi pa raw siya tapos mag-make-up. Wow ha! Diva?
Just the same, deadma na lang kami. Past 8 p.m. na pero hindi pa rin bumababa ang Angeline Quinto.
We got a word na 9 p.m. na kami aalis kaya she has so much extended time to finish everything.
Imagine, tinawagan na ako ng aming point person that we have to leave na dahil 40 minutes pa ang travel time namin bago makarating sa venue pero itong Angeline ay hindi pa bumababa sa kanyang room.
Naghintay ng matagal ang baby naming si Matteo sa coaster na pagsasamahan nila ni Angeline pero wala kang maririnig from the guy, cool na cool. Everyone waited for Angeline until I gave a signal to just leave and had the coaster wait for her.
Tutal naman last pa siyang magpe-perform kaya oks na rin. Siyempre, wait pa rin sa kanya si Matteo. Until we finally reached our destination.
Diyos ko pong mahabagin, akala ko naman ay kung anong klaseng paghahanda sa make-up ang ginawa ni Angeline para kumain ng sobrang oras, ordinaryo lang naman pala ang ayos niya.
Naka-shorts nga lang siyang nag-perform sa stage, ‘no! Akala ko naman mala-Kuh Ledesma or Regine Velasquez ang ginawang ayos sa kanya kaya ganu’n katagal! Hay, pero oks pa rin kami sa nangyari.
Hanggang sa nakarinig na ako ng mga kuwento tungkol sa attitude ng batang ito.
I don’t know kung sino ang may problema, siya ba o ang kanyang handlers. I don’t know. Ganito ang story.
She was already booked na for the Isabela event. Clear na ang usapan.
Nu’ng nandoon na si Angeline, her handlers daw advised the organizers that she had dubbing sked at 9 a.m. the next day.
With that, mahihirapan nga naman siyang makabalik on time dahil medyo late na ang flight nila.
The earliest flight kasi I guess was 10 a.m. By the time the plane reaches Manila, 11 a.m. na.
So, kailangang daw magawan ito ng paraan.
Tamang-tama naman that the governor (Bojie Dy) has a flight sked via his chopper to Manila with his guests, the Prince of Malaysia and his son, in the morning kaya they offered Angeline a seat pero hindi raw sila pumayag kung hindi kasama ang kanyang assistants.
Kaya nag-decide ang gobernador na mag-give way, ipahatid na lang muna sa chopper niya sina Angeline and her assistants at babalikan na lang sila.
Pero tinamaan naman daw yata ng hiya sina Angeline and they decided to take the land trip na lang. Kaloka, di ba?
Tsaka nakakahiya iyon sa nag-imbita, ha. Hindi ko ma-imagine na yung sinasabi nilang dating mahirap na singer from Sampaloc ay marami nang demands ngayon. Kalurkey to the max!
Dapat ay mag-isip-isip si Angeline ngayon.
Nawala na yung kasimplehan niya.
Nag-feeling na ang babaeng ito. Pero in fairness to her, she sings really well.
Mahusay talaga. Kaya lang, saan makakarating ang katulad ni Angeline Quinto kung this early ay nag-a-attitude na ito?
Unang-una, kahit maganda ang boses niya, halatang nangongopya lang siya ng style ng ibang artists.
Wala pa siyang originality. Kaya hinay-hinay lang, hija!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.