NORTH ALL-STARS WAGI SA PBA ALL-STAR GAME
Mga Laro sa Miyerkules
(Ynares Center)
4:15 p.m. Blackwater vs Alaska
7 p.m. Barangay Ginebra vs NLEX
NAGPAKITA ng matinding laro sina Alaska Aces forward Calvin Abueva at Globalport Batang Pier guard Terrence Romeo para buhatin ang North All-Stars sa 166-161 panalo laban sa South All-Stars sa 2015 PBA All-Star Game kahapon sa Puerto Princesa Coliseum sa Puerto Princesa City, Palawan.
Gumawa si Abueva ng 37 puntos, 16 rebounds at pitong assists para pamunuan ang North All-Stars.
Si Romeo, na pinarangalan bilang All-Star Game MVP, ay kumana ng 30 puntos kabilang ang 15 puntos sa huling yugto para tulungan ang North All-Stars.
Nagsanib puwersa sina Romeo, Abueva at Marc Pingris sa matinding arangkada ng North All-Stars sa second half para makabangon mula sa 16 puntos na paghahabol para magwagi sa laro.
Naagaw ng North All-Stars ang kalamangan sa ikaapat na yugto matapos maghulog ng 18-2 bomba para kunin ang 143-137 bentahe may siyam na minuto sa laban.
Ang dating Talk ‘N Text Tropang Texters point guard at ngayon ay team manager na si Jimmy Alapag, na nagkaroon ng emosyonal na retirement ceremony sa halftime, ay nagtala naman ng All-Star game record na 17 assists.
May iba pang records ang naitala ng dalawang All-Star squads sa laro kabilang ang highest scoring quarter (89 puntos sa unang yugto), highest scoring half (169 puntos), highest combined scores through three quarters (260 puntos) at highest combined points in an All-Star Game (327 puntos).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.