Melai kay Jason: Walang bisyo, responsable siyang ama! | Bandera

Melai kay Jason: Walang bisyo, responsable siyang ama!

Ervin Santiago - March 08, 2015 - 02:00 AM

melai hontiveros
IPINAGTANGGOL ni Melai Cantiveros ang asawang si Jason Francisco sa mga bashers na kung anu-anong masasamang salita ang sinasabi tungkol sa pagiging tatay ng komedyante.

Sa presscon ng bagong reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar kung saan isa si Melai sa magiging contender bilang impersonator, ipinaliwanag nito kung gaano kabuting asawa at ama si Jason.

“Responsible naman talaga siya, mali lang ang pagkakilala sa kanya. Kasi he’s very totoo sa sarili niya…napakatotoo niya kaya lagi siyang namamali sa showbiz. Alam naman natin na ang showbiz pag may naririnig ang ibang tao.

“Pero responsible talaga siya, hindi nga ‘yun umiinom, ‘di naninigarilyo, walang bisyo, ano pa ang hahanapin mo? Kahit na nga may nag-aaya sa kanya, ako na ang nagsasabi, ‘Ga, uminom ka.’

“Kasi, siyempre, ‘di rin ako maka-socialize kundi siya magso-socialize. Mahihiya naman ako sa sarili ko,” litanya ng TV host-comedienne.

Proud din si Melai sa kanyang mister dahil talagang hands-on dad daw ang comedian, “Sa pagpapalit ng diapers, salitan kami. Pag umuuwi siya ng three a.m., pag umiiyak ang bata, siya ang nagtitimpla ng gatas.”

Malaki-laki na ang unang anak nina Melai at Jason na si Amelia Lucille kaya natanong namin kung balak na ba nilang bumuo uli ng panibagong baby, “After three years pa siguro, five years kasi normal akong nanganak at sobrang sakit na manganak nang normal.

“Grabe ang sakit, ‘tapos three days labor ako. Pinasadya ko na overdue siya kasi, nag-e-enjoy na ‘yung bata sa loob. Nine months ko na siyang dinala, OA na,” sey pa ng komedyana.

Hirit pa nito, “Very happy, very happy kami, siyempre bago pa lang, alangan naman bago pa lang, ‘di ka na masaya. May mga minimal na away like nasaan ang ganito?  But then nag-mature kami nu’ng lumabas si Amelia Lucille.

“Nag-mature talaga kaming dalawa, ‘di kami nag-aaway gaya dati nung mga teenagers pa lang kami. ‘Di nga kami puwedeng mag-usap nang malakas na parang nagsisigawan kasi ‘yung anak namin sisibi agad, iiyak. Sensitive, so very careful kami du’n,” kuwento pa ni Melai.

Samantala, gagawin daw ni Melai ang lahat para maging bonggang-bongga ang gagawin niyang production numbers sa Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa March 14 sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung may chance, gustong gayahin ni Melai ang music icon na si Cindy Lauper. Si Billy Crawford ang magiging host ng Your Face Sounds Familiar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending