Sunshine Dizon: Hindi kami close ni Marian! | Bandera

Sunshine Dizon: Hindi kami close ni Marian!

Ambet Nabus - March 08, 2015 - 02:00 AM

sunshine dizon
MAS kalmado na raw katrabaho ngayon si Dingdong Dantes ayon sa ka-batch nito sa GMA noon na si Sunshine Dizon.
Sa simpleng paglalarawan, tinuran ni Sunshine na sobrang tagal na nilang magkaibigan ng aktor.

May mga pagkakataon pa nga raw noon na kay papa Dong siya ibinibilin ng kanyang nanay, “Uy, Dingdong, alagaan mo iyang si Sunshine ha.

Kapatid mo iyan, mga ganu’n,” pagbabalik-tanaw ng magaling na aktres nang makapanayam namin sa presscon ng bagong GMA series na Pare ‘Koy.

AnnaKarenina days pa raw nu’ng nakakapag-usap sila ng aktor ng tungkol sa kahit na ano. Then naulit ‘yun sa Encantadia kung saan sinabi nitong kahit very close pa rin sila ni Dingdong ay parang nag-iba na ito dahil siguro sa mas naging focused na siya sa kanyang career.

At dito nga sa Pari ‘Koy, muli silang magkakasama at base nga sa kanyang inisyal na obserbasyon, sobrang ibang Dingdong na ang nakikita niya. Sey ni Sunshine, malaking bagay talaga ang nagagawa ng pag-aasawa.

At dahil napag-uusapan na rin lang ang mga nakaraan, inamin ni Sunshine Dizon na hindi siya ganu’n ka-close sa misis ni Dingdong na si Marian Rivera, kumpara sa mga babaeng na-link noon sa GMA Primetime King tulad nina Antoinette Taus (nakatrabaho nila sa AnnaKarenina) at Karylle (nakatrabaho nila sa Encantadia).

“Normal naman siguro ‘yun na maging ka-close mo ang nakakatrabaho mo. Wala naman akong masasabi sa mga naging personal involvement nila dahil I was just a friend then.

Ang most important siyempre ay ang present at kung kanino ka nag-end up with at nangakong mamahalin at magiging kabiyak for better and for worse.

“Sobra lang akong happy na natagpuan na rin ‘yun ni Dong, gaya ko sa hubby ko ngayon at sa pamilya ko,” paliwanag ng magaling na aktres na sa GMA 7 na nga nagdalaga, naging mahusay na aktres hanggang sa nagkaroon na rin ng  pamilya.

Sa Pari ‘Koy ay ginagampanan niya ang role ni Noemi Cruz, ang sekretarya ng isang parokya kung saan naninilbihan si Dingdong bilang isang pari.

“Part ako ng community. Tipikal na parishioner na nakikita natin sa mga simbahan at may mga isyu din sa pamilya, sa anak. HIidi po ako leading lady ni Dong dito dahil pari nga siya. Much as I wanted to, pero hindi puwede,” tsika ni Sunshine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending