Lea bugbog-sarado na naman sa Netizens
IN exasperation perhaps because she is being always bashed on social media, merong pakulo itong si Lea Salonga sa Twitter.
Just recently, she asked, “Agree or disagree: mandatory IQ and EQ testing before giving someone Internet access. What do you think?”
Siyempre pa, walang nag-agree kay Aling Lea. Sino naman kaya ang sira ulong kakampi sa kanyang very discriminatory suggestion na ‘yon. Apparently, Aling Lea is so pissed off sa mga namba-bash sa kanya kapag meron siyang ipino-post na message.
Merong mga sumagot sa kanya at isa ang nagsabing paano naman ang kanyang nakababatang kapatid na mayroong problema sa development functions.
Ang tingin niya ay napaka-discriminatory ng suggestion ni Aling Lea at lubhang maaapektuhan ang mga disabled na tao. Parang pinalalabas niya kasi ang matatalinong tao lang ang dapat na magkaroon ng access sa internet.
Nagpaliwanag naman kaagad si Aling Lea na hindi niya intensiyon na pigilan ang mga disabled people na magkaroon ng internet access. Ni sa hinagap ay hindi niya ito naisip.
Is Aling Lea dreaming? Para na rin kasi niyang sinabi na ang mga intelligent lang ang pupuwedeng magkaroon ng internet access.
What was she thinking? That intelligent people like her should only be the ones na dapat magkaroon ng access sa internet?
This singer conveniently forgot na hindi lahat na matatalino ay matitino.
A case in point, there’s a school na tila breeding ground ng criminals because some of its graduates are the biggest crooks in government. Matatalino sila, mayayaman pero they end up as thieves in government.
Aling Lea, nakalimutan mo yata na sa mundo ay varied ang tao – may masama, may mabuti, may maganda, may pangit, may nakapag-aral, may tamad mag-aral, may mayaman, may mahirap.
Kailangan mo pa bang i-memorize ‘yan. We thought you are learned enough pero hindi naman pala. Aling Lea, kung naiinis ka at maraming namba-bash sa iyo ay isara mo na ang social media account mo.
Ang hirap sa iyo, masyado kang feeling – feeling maganda, feeling matalino, feeling mayaman, feeling great, feeling superior.
This is a free country where anyone can express his/her opinion.
With your very discriminatory suggestion ay ipinakita mo nga sa mga bashers mo what stuff you are made of. Is that what you learned from school, Aling Lea?
But later on, sumuko din si Aling Lea and tweeted, “After much thought, no to the IQ/EQ idea. But how do we make Internet abusers accountable for the evil they commit? Ideas, anyone? Anyone?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.