Dugo sa baga ni Jolo kailangan bantayan | Bandera

Dugo sa baga ni Jolo kailangan bantayan

Cristy Fermin - March 07, 2015 - 02:00 AM

jolo bong  revilla
Mabilis ang paggaling ni Vice-Governor Jolo Revilla, ligtas na siya sa kinatatakutang kundisyon ng kanyang mga doctor, kahit paano’y napapalagay na ang loob ngayon nina Senador Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado.

Tama ang obserbasyon ng isang malapit sa kanilang pamilya, ang mula nu’n hanggang ngayo’y napakatapat sa kanila na si Kabsat Portia Ilagan, “Nu’ng dumalaw si Senator Bong kay Jolo, parang bigla siyang sumigla.

Para bang he got the best medicine that day, bigla siyang lumakas na para bang napakalaki nang nagawa ng pagdalaw ng papa niya sa kanya!

“Sabi ni Senador Bong sa kanya, ‘Anak, tumayo ka, kailangan mong gumalaw.’ E, mahina ang katawan nu’n ni Jolo, ha? Hindi matindi ang tolerance niya sa pain, pero nu’ng ang papa na niya ang nagsabing kumilos siya, he did!” namamanghang kuwento ng mahal naming si Kabsat Portia.

Ilang araw pang magpapagaling sa Asian Hospital ang batambatang aktor-pulitiko, maayos na ang kanyang sitwasyon, konting-konting pagbabantay na lang sa dugo sa kanyang lungs ang kailangang gawin at makauuwi na siya para sa bahay na tuluyang magpagaling.

Nakahinga na nang maluwag ang kanyang mga magulang, minsan pang dininig ng Diyos ang kanilang mga dasal, harinawang dito na magtapos ang mga paghamong dumarating sa buhay ng pamilya Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending