Sef, Betong bidang-bida sa ‘Sabado-badoo’ ng GMA
Idinenay ng Kapuso TV host-comedian na si Sef Cadayona na magdyowa na sila ni Andrea Torres.
Sa pocket presscon ng bagong comedy show ng GMA na iho-host ni Sef kasama si Betong Sumaya, ang Sabado-badoo, sinabi nitong magkaibigan lang sila ni Andrea at wala pa silang seryosong commitment sa isa’t isa.
Nahihiya nga raw siya kay Andrea dahil sa mga naglalabasang issue sa kanila. Samantala, napakaswerte talaga nina Sef at Betong dahil pinagkatiwalaan sila muli ng GMA ng isang bonggang programa, ito ngang Sabado-badoo na siyang magpapaligaya sa boring n’yong Sabado nights.
Magsisimula na ito sa March 14, 6 p.m., Sabado bago mag-Pepito Manaloto. Aba-ngan ang nakakalokang tandem nina Sef at Betong sa ultimate throwback show ng taon.
“It’s a show wherein ipapakita natin ‘yung mga dating mga kinagawian ng mga Pilipino. In terms of sa showbiz, sa mga produktong nagamit noon, sa mga teknolohiyang ginamit noon na siyempre hindi natin maiiwasan bigyan ng katatawanan dahil naiisip natin baduy,” kuwento ni Sef.
Dagdag pa ng komedyante, “Pero nu’ng mga panahon na ‘yon eh ‘yun ang in na in sa kanila. So, gagawin namin ‘yun. We’re gonna add characters na magpo-portray ng mga lumang lengguwahe, mga lumang kinagawian noon.”
Bukod pa rito, mapapanood din ang past and present trends na pinag-usapan at pinagkaguluhan ng mga Pinoy, “Dito makikita nila ‘yung chemistry naming dalawa.
I guess that’s about it dahil ayoko magbigay pa ng information about dun sa show dahil kailangan mapanood nila para makita nila,” sey naman ni Betong.
“From Bubble Gang to Sabado-badoo, they will see our chemistry as a duo or as a tandem,” dagdag pa ni Sef. Hirit naman ni Betong, “Tiyak na marami ang mag-eenjoy dahil muling makikita ang mga eksena na malamang ay nakalimutan na at hindi pa napapanood ng bagong henerasyon.
Expect the funniest and wackiest team-up.” Ang Sabado-badoo ay sa direksyon ni Tata Betita, at mapapanood na tuwing Sabado ng gabi simula sa March 14 sa GMA lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.