Maja 'naglilihi', gustung-gustong kumain ng crispy pata | Bandera

Maja ‘naglilihi’, gustung-gustong kumain ng crispy pata

Alex Brosas - March 02, 2015 - 03:00 AM

maja salvador
Inamin ni Maja Salvador na katulad ng ibang ordinaryong babae ay nagiging moody rin siya especially kapag dumadating ang kanyang monthly period.

“May kanya-kanyang moods ang babae kapag meron. Merong malambing, may masungit. Sa lalaki kasi sa isang araw ay sobrang chill lang sila, relax lang. Sa babae, sa isang araw ay lahat ng emosyon yata ay mararamdaman mo.

May masaya, may malungkot na wala naming dahilan. Ang mga babae ay may topak talaga, eh, lalo na’t may period,” chika niya during her launch as Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners image model.

Siya, kapag dumadating na ang kanyang monthly period ay nagiging lowbatt siya at parang naglilihi na nagke-crave ng kung anu-ano.

“Malungkot (ako) pero hindi ko alam kung bakit ako malugkot. Matindi akong mag-crave. Alam kong magkakaroon na ako ng period kapag nagke-crave na ako ng kung anu-ano,” she related, adding that “last week, nagki-crave ako ng crispy pata. Sa isang buong week ay parang crispy pata ang kinakain ko,” dagdag pa niyang kuwento.

“Parang ang lungkot ng pakiramdam ko na parang wala namang dapat ikalungkot. Wala lang, parang mababa lang ‘yung energy mo,” she mused.

Bilang  Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner endorser for the second time, nagpapasalamat si Maja na nakinig sa kanyang mga suggestions ang may-ari nito.

“‘Yung mga request ko at ‘yung mga suggestion ko ay tinanggap naman nila. Kasi I wish na sana merong mas longer, mas mahabang pantyliner. Ayun, nu’ng nagbalik ako tinanggap nila ang mga request ko,” she said.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending