Pamilya Revilla itinago ang tunay na nangyari kay Jolo | Bandera

Pamilya Revilla itinago ang tunay na nangyari kay Jolo

Jobert Sucaldito - March 02, 2015 - 03:00 AM

bong revilla
NU’NG isang araw pa ako pinutakti ng ilang news programs kung meron daw ba akong access sa Revilla family dahil sa biglang sumabog na balitang nabaril o nagbaril daw sa sarili ang mahal nating si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Na-shock ako dahil malapit sa akin ang batang ito – maka-Revilla kasi ako, di ba? Mahal na mahal ko ang lolo niyang si dating Senador Ramon Revilla, Sr.

I tried calling his mom, Cong. Lani Mercado but to no avail. Then, I called his girlfriend Jodi Sta. Maria pero hindi rin sumasagot. Naglaro tuloy ang utak ko – na baka totoo ngang may nangyari kay Jolo.

Sa totoo lang, immaterial na para sa akin kung ano ang sanhi ng pagka-hospital ni Jolo – all I wanted to know that particular time ay kung totoo ngang nasa hospital siya kasi nga puro pagtatanong lang ng ilang press friends ang natatanggap ko sa celfone ko.

Finally ay na-contact ko si kaibigang Portia Ilagan, isa sa mga media officers ng mga Revilla pero pinabulaanan niya sa akin ang balita. Hindi raw totoong may ganoon. Negative daw. Sabihin ko raw sa kanilang there’s no truth to it.

Pero after a few more minutes ay lalong dumami ang nagtatanong sa akin – ayaw nila akong tigilan. Confirmed daw talagang Jolo was rushed to the hospital after sustaining a gunshot wound.

Ang kuwestiyon na lang daw nila ay kung ito ba’y self-inflicted (puwedeng attempted suicide daw or aksidente) or may nakaaway siya. Talagang kinulit ko si kaibigang Portia pero ang advise niya sa akin ay i-text ko na lang daw si Cong. Lani para sa kaniya na manggaling ang statement.

I didn’t text Lani anymore. I know how hard it was for her to handle this situation. Ang mahalaga siyempre para sa isang ina ay ang kasiguruhan na ligtas ang anak sa kapahamakan more than granting interviews of what happened.

Kaya naghintay na lang ako ng statement from them. “At 9am today (Saturday, Feb. 28) at Ayala Alabang, Vice Governor Jolo Revilla suffered a single gunshot wound on his right chest after he accidentally fired a .40 Gloc handgun while cleaning the same. VG Revilla is currently under observation and medication at Asian Hospital in Muntinlupa.

He will remain in the hospital for at least the next 48-72 hours. The Revilla family asks for prayers for his sppedy recovery,” ang mensaheng galing kay Atty. Raymond Fortun, spokesman for the Revilla family.

Iyon ang sinasabi ko. Lalong lumakas ang duda tuloy ng mga tao na nag-suicide nga si Jolo for some unknown reason to us kasi nga, pinatagal pa nila ang pag-amin that he was hospitalized.

Mga 9 a.m. pa lang pala nu’ng mangyari ang insidente pero bakit kasi hindi sila kaagad nagbigay ng opisyal na pahayag on the incident para hindi na magduda ang mga tao na there’s something strange behind that gunshot wound.

Hindi na nila puwedeng sisihin na magduda ang public as to what really happened to him kasi nga pinaghintay pa nila nang matagal bago naglabas ng statement.

Kahit sabihin pang aksidente lang ang pagkakabaril niya sa sarili, may nakakapag-conclude na otherwise tuloy. VG Jolo is no ordinary citizen kasi – he is a politician and a popular actor kaya talagang gustong makakuha ng statement ang media sa nangyari sa kaniya.

At hindi nila puwedeng ilihim ito sa public dahil nga sa celebrity si Jolo. Imagine, from 9 a.m. ay gabi na namin na-confirm na totoo nga ang balitang he was rushed sa Asian Hospital.

Lalong nadagdagan tuloy ang problema ng mga Revilla dahil sa super-late na pag-amin that Jolo was hospitalized. Dumami lalo ang iba’t ibang speculation on the matter.

Nakakaawa ang mag-asawang Lani and Bong tuloy, helpless naman si Sen. Bong dahil nakakulong ito sa Camp Crame and is also facing a few controversies of late. Kaya mabigat dalhin sa dibdib dahil close kami sa family nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, ang pinakamahalaga para sa amin ay ang kundisyon ni Jolo na sobrang bait na bata pa naman. We are praying that he will be alright – that he will be safe from harm. God bless him.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending