Nancy Binay sinupalpal ni Mar | Bandera

Nancy Binay sinupalpal ni Mar

Ramon Tulfo - February 28, 2015 - 03:00 AM

HINDI naghain ng “not guilty” plea si dating Makati Mayor Elenita Binay nang siya’y binista ng Sandiganbayan kaugnay ng P45 milyon na anomalya sa Makati City Hall noong siya ang nagpa-patakbo ng siyudad.

Dahil ayaw niyang magbigay ng not guilty plea, ang Sandiganbayan na mismo ang naghain ng not guilty plea para sa kanya.

Ang kaso ay nag-ugat sa maanomalyang pagbili ng mga gamit ng city hall para sa Ospital ng Makati noong 2001.

Ano pa ba ang bago?

Lahat ng pamilya Binay— si Elenita, ang asawa nitong si Vice President Jojo at ang kanilang anak na si Junjun na siyang mayor ngayon—ay inaakusahan ng anomalya sa kani-kanilang administrasyon sa Makati .

Kung totoo ang paratang sa kanila—inuulit ko, kung totoo—sila’y angkan ng magnanakaw.

Anong meron ang mga Binay na ayaw maniwala ng taumbayan sa mga paratang sa kanila kahit na ang mga paratang ay may ebidensiya?

Dahil karamihan ng ating mga botante ay mga bobo o ignorante at madaling mapaniwala sa mga matatamis na salita.

Ang sabi ng mga bobong at ignoranteng botante, okay lang na magnakaw ang mga Binay tutal ibinabahagi naman nila daw ang kanilang ninakaw.

Yan ang nakuha ko sa aking mga panayam sa mga mahihirap na botante ng Makati .

Mas marami kasi ang botanteng bobo at ignorante kesa sa mga edukado na bumoboto lang base sa isyu.

Pero ang masa ay walang pakialam kung ang sinasamsam ng kanilang pinuno ay kaban ng bayan basta naaambunan sila.

Mababaw ang kaligayahan ng masa hindi lang sa Makati kundi sa buong bansa.

Binoboto nila ang mga artista, mga sikat o mayayaman na mga kandidato kahit walang mga track record ang mga ito.

Sa parte naman ng mga Binay, ibinoto sila ng masa dahil ordinaryo ang kanilang mga pagmumukha; para silang nakakaawang tingnan.

Nakakaawa ang kanilang mga pagmumukha at magaling mambola at marunong mamahagi ng kanilang mga sinamsam sa gobiyerno kaya’t ibinoto sila bilang mayor, congresswoman, senator at vice president.

Bago pa man naging mayor itong si Junjun ay councilor muna ito.

Kelan kaya magigising ang taumbayan sa Makati at sa buong bansa?

Nagtarayan sina Sen. Nancy Binay at Interior Secretary Mar Roxas sa Senate hearing kaugnay sa Mamasapano massacre.

Pinipilit ni Nancy na “magsabi ng totoo” si Roxas tungkol sa nalalaman niya sa operation na nagresulta sa pagkamatay ng 44 police commandos.

Sinupalpal si Nancy ni Mar at sinabing palagi siyang nagsasabi ng totoo.

Pinatamaan ni Mar si Nancy tungkol sa pagsasabi ng totoo.

Ang tinutukoy marahil ni Roxas ay ang hindi pagdalo ng kanyang amang si Vice President Jojo sa Senate hearing tungkol sa mga anomalya sa Makati City Hall.

Ang ibig sabihin kasi ay ayaw ni Jojo Binay na malantad ang katotohanan sa mga anomalyang ginawa nilang pa-milya sa Makati City Hall.

Kung tumahimik na lang si Nancy sa hearing ay baka hindi siya nasupalpal.

Gustong magpakitang gilas ang neophyte senator sa hearing kaya’t kung anu-anong ang mga tanong na ginawa nito na walang katuturan.

Bakit kasi pinilit pa siya ng kanyang tatay na tumakbo bilang senador samantalang ang kanyang karanasan ay maging yaya ng kanyang ina.

Di rin nahiya si Jojo Binay nang siya’y tinanong kung ano’ng karapatan ni Nancy na tumakbo bilang senador.

Ang kanyang sagot ay, “Because she’s a Binay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tama ba ang sagot na yun?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending