Benepisyo matatanggap ba kahit di kumpleto ang requirements? | Bandera

Benepisyo matatanggap ba kahit di kumpleto ang requirements?

Liza Soriano - February 28, 2015 - 03:00 AM

AKO ang taga lakad ng PhilHealth ng kumpanya namin. Ang last na pagbigay ko ng report ay last August 2014 pa. Hindi ko kasi maisubmit ang report ng September hanggang sa kasalukuyan kasi kulang pa ang requirements ng mga tao.
Pero bayad naman ang monthly remittance namin. Updated naman po ang payments namin. Paano po kung kinaila-ngan ng gamitin ng mga tao ang Philhealth nila? Maaari ba nilang magamit ito?
Pilita de Guzman
….8527

REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Patungkol po ito sa inyong katanungan na
ipinadala sa column ni Bb. Liza Soriano sa Aksyon Line: kung maaaring maka-avail ng benepisyo ang inyong empleyado kung hindi sila updated sa pagsumite ng kanilang remittance reports.
Nais po naming ipabatid na ayon sa polisiya upang makagamit ng benepisyo ang isang miyembro na employed ngunit  hindi updated ang contributions, kailangan lamang pong magsumite sa billing section ng hospital ng kanilang updated Member Data Record MDR at PhilHealth Claim Form 1 na pirmado ng kanilang employer ang Part IV – Employer’s Certification.

Gayunpaman, nais po naming ipaalala na ang pagsusumite ng monthly remittance report ay tuwing ika-limang (5) araw matapos magbayad ng premium upang ang contributions ay mai-post sa bawat empleyado.

Para sa karagdagang impormasyon maaari po silang tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442 o mag email sa [email protected]
Maraming salamat po.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa [email protected][email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending