3 anak na babae ni Sunshine nakakaawa, bata pa lang...grabe na ang pagdurusa | Bandera

3 anak na babae ni Sunshine nakakaawa, bata pa lang…grabe na ang pagdurusa

Cristy Fermin |February 28,2015
facebook
share this

3 anak na babae ni Sunshine nakakaawa, bata pa lang…grabe na ang pagdurusa

Cristy Fermin - February 28, 2015 - 03:00 AM

CESAR MONTANO AT SUNSHINE CRUZ

CESAR MONTANO AT SUNSHINE CRUZ

Windang na windang ang mga nakausap naming empleyado ng isang mala-king kumpanya tungkol sa isyung pinagtatalunan ngayon sa husgado ng nagkahiwalay na mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Sanay na sanay na raw sila sa mga kuwentong-showbiz, pero itong kina Buboy at Shine ang itinuturing nilang pinakamatindi, dahil pati ang kanilang mga anak ay kaladkad sa matinding kontrobersiya.

Tanong ng isang kausap namin, “Hindi muna kaya nag-isip si Sunshine bago niya kinasuhan si Cesar ng ganu’n katindi?

Imagine, napakalakas lang ng loob ng isang babaeng makagagawa ng ganu’ng bintang sa mister niya!

“Sa isang tulad ko na hindi naman nila kasama 24 hours a day, e, hindi ko paniniwalaan ang mga accusation ni Sunshine, mas paniniwalaan kong hindi kayang gawin ni Cesar ang ibinibintang niya, pero who knows,” sabi nito.

Madiing bintang ni Sunshine ay nagsumbong ang mga babae nilang anak ni Cesar sa kanya na nagpaparaos ang aktor sa mismong tabi ng kanilang mga anak.

Matindi ang pagtanggi ng aktor sa isinampal na kaso sa kanya ng aktres, ni sa hinagap daw ay hindi niya kayang gawin ang ibinibintang ni Sunshine, hinding-hindi.

Habang dinidinig ang kaso ay nagdurusa ang mga bata, pinagpipistahan ang kanilang bubot pang buhay, pati silang magkakapatid ay hindi nasalba sa sukdulang sigalutan ng kanilang mga magulang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending