Sa abroad susuwertehin | Bandera

Sa abroad susuwertehin

Joseph Greenfield - February 28, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nelissa Calagundian, Mati, 

Davao Oriental
Dear Sir Greenfield,

Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho. Puro contractual at pansamantala lang kasi ang laging napapasukan ko simula ng grumadweyt ako ng HRM. Nahihiya na tuloy ako sa mga magulang ko, kadalasan imbis na ako ang magbigay ako pa ang binibigyan nila ng allowance. Sabi ng nanay ng nanay ko mag-aplay na lang daw ako sa abroad at baka ako doon suwertehin, pero natatakot po ako. Ano sa palagay nyo kapag kaya sa abroad ako nag-trabaho makakatagpo kaya ako doon ng magandang suwerte at iniisip ko ring baka doon din ako magkaroon ng boyfriend? June 14, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Nelissa ng Davao
Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Ayon sa malinaw at malawak na Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.), tama ang nanay mo, higit ka ngang susuwertehin sa pag-aabroad kaysa magtiyaga kang magtrabaho dito sa ating bansa. Kaya dapat ngayon na ang tamang panahon upang simulan mo na ang “Operation Malawakang Pag-aaplay sa Abroad.”

Cartomancy:

Eight of Diamonds, Queen of Hearts at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing basta buo ang iyong loob, walang duda, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo sa edad mong 25 pataas – makapag-aabroad ka.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending