Daniel nominado sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards
Tiyak na nagpipiyesta na naman ngayon ang milyun-milyong fans ni Daniel Padilla matapos mabalitang isa ito sa mga nominado para sa 2015 Nickelodeon Kids’ Choice Awards (KCA).
Nominated si Daniel sa Favorite Asian Act category kung saan makakalaban niya ang Indonesian girl group na JKT48, ang Malaysian YouTube sensation na si Jinnyboy at ang Singaporean actor na si Tosh Zhang.
Sa pagkakasali ng pangalan ng ka-loveteam ni Kathryn Bernardo sa nasabing international award giving body, ka-level na niya ang Pop Princess na si Sarah Geronimo at ang internatinal Pinay singer na si Charice.
On line voting ang labanan sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards, kaya sigurado kaming malakas ang laban ng Kapamilya Teen King dahil hindi siya pababayaan ng fans nila ni Kathryn na walang sawang sumusuporta sa kanila.
This year, gaganapin ang KCA sa darating na March 28 sa Forum, Inglewood, California. Magsisilbing host ng annual event ang international singer na si Nick Jonas, former member ng boy band na Jonas Brothers.
Mapapanood naman ito sa Pilipinas sa March 30 via the Nickelodeon cable channel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.