Richard Yap ayaw nang buntisin si Misis: Sabi sa Feng Shui magtipid kami!
ISANG pasasalamat sa entertainment press ang handog ng tsinitong aktor na si Richard Yap sa pagsisimula ng Chinese New Year ngayong 2015. Nagbalik lang si Papa Richard sa mga manunulat sa mga tulong na ibinahagi nila sa matagumpay na career niya noong 2014.
Bilang pasimula sa kanyang thanksgiving party, proud niyang ibinalita for the first time ang bagong project na gagawin niya ngayong taon. At ‘yun ay ang bagong teleserye niya sa ABS-CBN with no less than Judy Ann Santos to be directed by Onat Diaz and Trina Dayrit.
Wala pa raw titulo ang first serye na pagtatambalan nila ni Juday. Pero gaya ng huling teleserye na Be Careful With My Heart light-drama rin daw ‘to na may konting comedy, action and romance.
Sa March 18 daw ang peg ng team ng Dreamscape na siyang gagawa ng serye for ABS para magsimula ng taping. More or less ay may ideya na raw siya about his role, “A, magi-storycon pa lang kami next week.
So, maybe by that time malalaman na namin ‘yung details. Light lang din naman siya,” sambit ni Richard. Hopefully, hindi naman siya mangangarag ulit sa puyatan sa paggawa ng bago niyang serye.
Hindi naman daw agad ie-air ang show at magpopondo muna sila ng maraming episodes. Positibo siya na tatangkilikin din ng audience ang show nila dahil bukod sa first team-up niya with the Young Superstar, this project serves as Judy Ann’s comeback sa teleserye.
“And then, sa movie rin na sasalihan ko I’m hoping that it will get the same support and reception sa ginawa namin sa ‘Praybeyt Benjamin.’ Well, siguro hindi ganoon kalaki ‘yun na, pang-MMFF ‘yun, e.
But at least mas maganda ‘yung ano namin sa movie,” pahayag ni Richard. Bukod sa nabanggit na teleserye and a possible movie project, tinanong namin si Richard kung may iba pa siyang plano sa buhay.
Like having a new house or a new baby kaya? “Wala, wala. Sabi nila sa Year of the Sheep, magtipid kami. Ha-hahaha!” Okey na raw sila ng misis niyang si Melody sa dalawa nilang anak na ang eldest ay 18 years old na.
Teka, keri pa kaya ni Melody magbuntis, if ever? “I don’t know. She’s one year younger than me. Pero hindi pa naman (menopause).” Gumagamit daw sila ng natural method para hindi na madagdagan ang kanilang mga anak, “It’s a conscious effort sa aming dalawa ‘yun,” diin niya.
We asked him again kung ano pa ba ang iba niyang dream, “Usually, bad dreams, nightmare. Ha-hahaha!” Wala na raw siyang ibang dream para sa kanyang sarili.
Wala na raw siyang wini-wish except for his dream to see his kids already successful in their chosen careers.Another blessing kay Richard ngayong 2015 ang pagkaka-nominate niya as New Movie Actor sa nalalapit na Star Awards for Television na magaganap sa Solaire Hotel & Casino on March 8 at ite-televise sa ABS-CBN on March 22.
Na-nominate si Richard sa 2014 MMFF movie nila ni Vice Ganda at Bimby Yap na “The Amazing Praybeyt Benjamin.” “It’s an honor for me na ma-nominate agad ako. Ah, nomination sa akin okey na ako. Panalung-panalo na ako,” kasunod ang matamis na ngiti niya.
Richard’s co-nominees are Nathaniel Britte for “Sundalong Kanin”, Julian Estrada at Inigo Pascual sa “Relaks It’s Just Pagibig, Jeric Gonzales sa “Dementia,” Sandino Martin naman sa “Esprit De Corps” at James Reid sa “Diary ng Panget.” Last time na nakausap namin si Richard sa grand opening ng bago niyang resto, ang Wang Fu Café sa UP Town Center, hindi muna niya pinasulat sa amin ang tunay na dahilan nang pagkawala niya sa supposedly Valentine concert ni Ai Ai delas Alas.
But now very open na siya sa pagsagot sa mga tanong what really transpired sa isyung ‘yun. At sad lang siya para sa Comedy Concert Queen at kauna-unahan niyang leading lady sa teleserye (My Binondo Girl).
“We haven’t talked about it. Actually, hindi na kami nagkita kasi. Much, much better kasi if you talk about it personally. Pero wala namang ano, well, I feel bad for her kasi siya, hindi na nga natuloy, last minute pa,” sabi niya.
Nakatanggap na raw kasi sila ng warning and it was his management’s best interest for him na i-turn down ‘yung show, “Kaso lang, ang problema nito, siya until the end pinaasa siya.
So, I just feel bad that her concert had to be cancelled at the last minute.” Tungkol naman sa sinasabing pera-pera lang daw ang dahilan kaya siya umatras, “Well, kung isipin mo what are we in business for? Hindi ba pera naman talaga? Kung charity event ‘yun, walang problema.
Gagawin natin ‘yun. Pero kung mage-event ka lang para kumita ang producer at lolokohin ka, e, ‘di huwag na lang. Ibang usapan na yun,” paliwanag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.