Bangs Garcia di nagtagumpay kay Phil Younghusband
Hindi nauwi sa relasyon ang pagde-date nina Phil Younghusband and actress Bangs Garcia.
Si Phil mismo ang nagkuwento sa isang interview niya sa show nina Boy Abunda and Kris Aquino na nothing came out of their dates.From magka-date ay naging friends lang ang dalawa.
Sabi ni Phil, kailangan niya ng more time for himself and for his passion – football. We think na hindi lang sila nag-click sa maraming bagay and Phil was just polite enough to say na mas gusto niyang magkaroon ng sapat na time for himself.
Puwede namang pagsabayin ang football at ang love life, ‘no! Bakit nu’ng sila pa ni Angel Locsin, napagsabay niya ang kanyang sport at ang relasyon nila ng aktres?
So, on the market again ang beauty ni Phil. Ang dami sigurong nagsabi kay Bangs ng “Buti nga!” Hindi kasi nila feel ang beauty ni Bangs para kay Phil, ‘no!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.