Marian, Dingdong tuloy ang Honeymoon, kinarir ang paggawa ng baby sa Palawan | Bandera

Marian, Dingdong tuloy ang Honeymoon, kinarir ang paggawa ng baby sa Palawan

Ervin Santiago - February 17, 2015 - 02:00 AM

marian rivera
Tuluy-tuloy pa rin ang honeymoon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Nitong nakaraang Feb. 14  ay nagpakaligaya na naman sa kandungan ng isa’t isa ang mag-asawa – sa Palawan sila nag-celebrate ng kanilang first Valentine’s day bilang mag-asawa.

In fairness, kararating lang nila sa Manila matapos ang kanilang mahabang honeymoon pero nagdesisyon ang Kapuso Primetime King & Queen na mag-out-of-town uli at sa Palawan nga sila nag-loving-loving.

Sa kanilang official Instagram account, hindi nagdamot ang mag-asawa sa kanilang fans dahil nag-post sila ng napakaraming litrato nila together habang nagpapakasaya sa iba’t ibang lugar sa Palawan.

Sa larawang makikita sa pahinang ito, kagagaling lang nina Marian at Dingdong sa isang isla kung saan sila nag-snorkling. Kitang-kita sa aura ng mag-asawa ang sobrang kaligayahan.

Sabi nga ng kanilang followers sa social media, mukhang ayaw nang paawat ni Dingdong – as in kinakarir na nila ang paggawa ng baby.

Very open naman ang magdyowa sa pagsasabing gustung-gusto na nilang magkaanak kaya naman hangga’t wala pa silang ginagawang projects sa GMA, uunahin muna nilang buuin ang kanilang first baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending