Vin Abrenica magpapasilip ng pototoy sa stage play
NAKAKAPANIBAGO ang itsura ngayon ng young actor na si Vin Abrenica. Dumoble kasi ang kaguwapuhan niya ngayon at mas mukhang bata kesa noong huli namin siyang makita sa isang event ng kanyang home studio, ang TV5.
“Siguro dahil pumayat ako at saka sa buhok,” bungad niya noong makausap namin sa presscon ng WATTPAD Presents. “Kasi gusto ko, as much as possible ayokong maging, alam mo ‘yun? ‘Yung hawig ni Aljur (his brother).”
Hindi na raw niya alam kung ano ang gagawin niya para malayo ng konti ang itsura niya sa kanyang older brother. But he has nothing against naman kapag kinukumpara siya kay Aljur.
“Niyakap ko na ‘yun matagal na panahon na. Noong una, ‘yung nasasabihan ako, nasa kompetisyon (TV5’s Artista Academy) pa ako noon, medyo hirap pa ako noon.
Younger ako sa kanya, mga one year and a half,” nakangiting pahayag pa ni Vin Abrenica. Busy ngayon si Vin sa kanyang play na “Huego de Peligro” na ipalalabas sa CCP Little Theater simula Feb. 19 hanggang March 8.
“Yes po, maghuhubad po ako sa play. Wala pong problema sa akin. May bed scenes po. Naghahanda naman ako. ‘Yung abs ko, hanggang hita na po. Ha-hahaha!”
Then, meron pa siyang gagawin na episode para sa WATTPAD Presents titled “My Fiance Since Birth.” Very honest na sinabi ni Vin na hindi pa siya nagti-taping para dito kung saan makakasama niya si Yassi Pressman.
First time niyang makakasama sa trabaho si Yassi pero hindi naman sila totally strangers sa isa’t isa. Naka-bonding na niya si Yassi sa Enchanted Kingdom kung saan sumakay pa sila ng rides.
Ngayon pa lang ay inili-link na si Vin kay Yassi since walang boyfriend ngayon ang leading lady niya. Pero mabilis namang sinabi ni Vin na taken na siya.
Girlfriend ni Vin for almost two years now ang female counterpart niya na grand winner sa Artista Academy na si Sophie Albert.
“Oo, pareho silang mestiza. Pero wala namang comparison sa kanila, pareho silang maganda,” sabay ngisi ni Vin.
Someone asked him kung kino-consult ba niya si Sophie kapag may offer sa kanya lalo na kapag may kissing scene.
“No, lalaki naman ako, e. Wala naman dapat ipaalam sa kanya.
Same thing with her. Naku, napanood ninyo ba ‘yung “#Y?” Nandoon ako lahat (sa set). Grabe ‘yun. Sila (Sophie and her partner) ‘yung may eksena. Nandoon ako sa dubbing, dyusko! Ilang beses ko napanood ‘yung movie niya,” sagot ni Vin.
Dagdag pa niya, “‘Yung sa akin naman may pumping po ako, yung sa stage play. Oo, matindi. Ay, naku, kinabahan talaga ako, sobra. Kasi bago sa akin. Isipin mo, live ko gagawin ‘yung frontal. Unlike sa taping kayu-kayo lang.”
Hindi nga niya masagot kung paano niya iha-handle ang mga maseselang eksena na gagawin niya sa play in front of his family and friends once mag-start sila sa CCP Little Theater.
“Ah, para sa akin mind-set na lang po ‘yun. Kung ano ‘yung ginagawa ko sa rehearsal, ‘yun na lang po lahat ang ilalabas ko sa actual,” sey pa ng binata.
Anyway, last of the second batch ng WATTPAD Presents season 2 ang episode ni Vin with Yassi na My Fiance Since Birth. Kwento ito ni Alyssa (Yassi) na naniwalang isang lalaki lang ang meant for her, at ‘yun ay si Van.
Si Van ang lalaking nagsabi sa nanay ni Alyssa nu’ng ipinagbubuntis pa lang siya na siya ang babaeng pakakasalan niya.
Mapapanood ito on March 9 to 13, 9 p.m. sa TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.