Jennylyn, Raymart bagay maging magdyowa | Bandera

Jennylyn, Raymart bagay maging magdyowa

Ervin Santiago - February 16, 2015 - 02:00 AM

raymart santago

MARAMI ang matutuwa kung magkakatuluyan sa tunay na buhay sina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago. Bagay daw ang dalawa kaya nga gustung-gusto nila ang teleseryeng Second Chances sa GMA Telebabad na pinagbibidahan ng dalawa.

Ayon sa isang nakausap namin, baka raw sina Jen at Raymart talaga ang itinadhana sa isa’t isa dahil bukod sa pareho silang single ngayon ay pareho na rin silang may anak, ibig sabihin wala nang magiging problema sa estado nila sakaling magkagustuhan sila.

Anyway, narito ang kailangan n’yong abangan ngayong gabi sa Second Chances:  Nag-suicide si Rebecca (Camille Prats) dahil sa depression sanhi ng pangungulila sa anak.

Dahil dito, sobrang guilty si Lyra (Jennylyn). She wants to tell Rebecca the truth. Pero magmamakaawa si Bernard (Raymart).
Luluhod pa ito sa harapan ni Lyra.

He tells her na mawawala ang pamilya nila kapag sinabi ni Lyra ang totoo. Pero torn si Lyra dahil alam niya ang right thing to do pero ayaw rin niyang mawala sa kanya sina Bernard at Billy (Joshen Bernardo).

Hanggang sa makabuo siya ng desisyon. Sasabihin na niya kay Rebecca ang totoo dahil hindi rin niya kayang makitang nasasaktan si Rebecca at Federico (Roi Vinzon).

Kakausapin ni Lyra si Bernard. Jerome (Rafael Rosell) insists na samahan si Lyra. Lyra tells Bernard her decision. Dahil hindi nakuha sa pakiusapan si Lyra, maiinis na siya.

He calls the wedding off at ipagtutulakan pa si Lyra palabas ng bahay. Ito ang masasaksihan ni Jerome. Agad niyang sasapakin si Bernard at ilalayo si Lyra.

Bernard confides with Jonas (Gerard Pizzaras). He also confides with Coleen (Chynna Ortaleza). He tells Coleen na babawiin na sa kanya si Billy. Gulat si Coleen. Sinugod niya si Lyra, galit na galit at nagbabanta.

Dahil kasama naman ni Lyra si Jerome, agad papagitna si Jerome and even threatens Coleen na sasampahan ito ng kaso.
Samantala, makakalabas na ng ospital si Rebecca.

She wants to thank Billy for the flowers kaya dumalaw siya kina Bernard. Doon, makikita niya ang balat sa likod ng tuhod ni Billy. Agad namang ilalayo ni Bernard si Billy. Kukutuban si Rebecca. Nahanap na nga kaya ni Rebecca ang anak niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending