IKA-5 SUNOD NA PANALO PUNTIRYA NG MERALCO | Bandera

IKA-5 SUNOD NA PANALO PUNTIRYA NG MERALCO

Barry Pascua - February 15, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
3 p.m. Globalport vs Meralco
5:15 p.m. Brgy. Ginebra vs Talk ‘N Text
Team Standings: Meralco (4-0); Purefoods Star (4-1); Barako Bull (3-1); Talk ‘N Text (3-1); Rain or Shine (3-2); Barangay Ginebra (2-2); Globalport (2-2); Alaska Milk (1-2); Blackwater (1-3); Kia Carnival (1-4); NLEX (0-3); San Miguel Beer (0-3)

SISIKAPIN ng nagbabagang Meralco Bolts na mapanatiling malinis ang record nito at patuloy na manguna sa engkwentro nila ng Globalport sa PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-3 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa alas-5:15 ng hapon main game, hihirit ng ikatlong sunod na panalo ang Barangay Ginebra kontra Talk ‘N Text.

Patuloy na ginugulat ng Bolts ang karamihan dahil nakapagposte sila ng apat na sunod na panalo laban sa Barangay Ginebra (85-74), Kia Carnival (90-80), Talk ‘N Text (91-83) at  Rain or Shine (92-87).

Magagandang numero ang nakukuha ng Meralco buhat sa import nitong si Josh Davis na ikalawang choice lang ng Bolts matapos na mapunta sa Barangay Ginebra si Michael Dunigan.

Laban sa Rain or Shine, si Davis ay gumawa ng 15 sa kanyang 31 puntos sa ikaapat na yugto kung saan nakabawi ang Meralco sa 13 puntos na abante ng Elasto Painters at nagwagi.

Si Davis ay tinulungan ng guwardiyang si Mike Cortez na nagtala ng pito sa kanyang 13 puntos sa ikaapat na yugto bukod pa sa gumawa ng walong assists.

Si Meralco coach Norman Black ay sasandig din kina Gary David, Cliff Hodge, Reynell Hugnatan at Sean Anthony.

Magpaparada naman ng bagong import ang Globalport sa katauhan ni Calvin Warner na humalili kay CJ Leslie. Sa kanyang huling laro para sa Batang Pier ay nagtala si Leslie ng 30 puntos upang magwagi ang Globalport kontra Alaska Milk, 95-73, at mapatid ang kanilang two-game losing skid.

Ang Globalport ay may 2-2 kartang katulad ng sa Barangay Ginebra.

Matapos na matalo sa kanilang unang dalawang laro ay nakabawi ang Gin Kings sa pamamagitan ng pagposte ng panalo kontra Philippine Cup champion San Miguel Beer (95-82) at Kia Carnival (100-92).

Nakabangon naman ang Talk ‘N Text sa pagkatalo sa Meralco nang ipalasap ng Tropang Texters sa Barako Bull ang una nitong kabiguan, 80-75, noong Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, tinalo ng Rain or Shine ang Purefoods Star, 78-71, sa kanilang PBA out-of-town game kahapon sa Dipolog Sports Center sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending