Regine, Lani patalbugan ng gown, biritan showdown sa Ultimate Concert | Bandera

Regine, Lani patalbugan ng gown, biritan showdown sa Ultimate Concert

Ervin Santiago - February 15, 2015 - 02:00 AM

marian nievera
Tulad ng inaasahan biritan showdown ang nangyari sa “Ultimate” concert nina Concert King Martin Nievera, Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Asia’s Nightingale Lani Misalucha, at Asia’s Songbird Regine Velasquez noong Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Punumpuno ang venue at halos lahat ng production numbers ng apat ng Pinoy music icon ay talagang pinalakpakan at tinilian ng audience.

Tumagal nang halos tatlong oras ang concert at sabi nga ng mga nakapanood, sulit na sulit ang ibinayad nila, at kung tutuusin ay sobra-sobra pa!

Muling pinatunayan nina Martin, Gary, Lani at Regine na sila pa rin ang mga hari’t reyna ng concert scene at wala pa ring makakatalo sa kanila pagdating sa bonggang performance kahit na nga sandamakmak na ang mga baguhang young concert artists ngayon.

Mula simula ng concert hanggang sa ending ay hindi yata kumurap ang mga manonood. Bukod sa kanilang mga signature songs, may version din ang apat na music icon ng mga hit na hit na kanta ngayon tulad na lang ng  “Stay With Me” ni Sam Smith at “Thinking Out Loud” ni Ed Sheeran.

Naghiyawan ang mga tao nang kantahin ni Lani ang “Sirena” ni Gloc 9, lalo na nang mag-rap siya. Pero siyempre, hindi talaga nagpatalbog si Regine kay Lani nu’ng gabing yun matapos siyang bigyan ng standing ovation ng audience dahil sa makapanindig-balahibo niyang version ng “I Don’t Wanna Miss A Thing”.

Bukod diyan, nagpatalbugan din ng gown ang dalawang diva, ilang beses silang nagpalit ng outfit sa kabuuan ng concert.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending