Inggit sa lovelife at bonggang career ng Pop Princess
Kaloka itong si Cristine Reyes. Pati past issues ay muling binubuhay.
Pilit na pilit ang dating ni Cristine na muling buhayin ang issue sa kanila ni Sarah Geronimo.
Sa isang interview niya kasi sa isang magazine ay inungkat muli ni Cristine ang war of the roses sort of bangayan nila ni Sarah.
Eh, ate, ano’ng petsa na? Helllooooo? May, 2012 na samantalang 2010 pa ‘yung issue n’yo. Hindi ka ba talaga maka-move on, ‘te?
Ibinuking pa raw ni Cristine na hindi naman talaga si Rayver Cruz ang first heartache ni Sarah dahil meron na raw itong naging dyowa noon.
So, what? Ano’ng issue du’n? Hindi naman nagmamalinis si Sarah at wala rin naman siyang dinedenay.
Baka naiinggit itong si Cristine kay Sarah ngayon dahil masaya ang lovelife nito.
Akala pa naman namin ay sincere si Cristine when she decided to bury the hatchet nang puntahan niya si Sarah sa dressing room nito para magkaayos na sila.
Ano na naman kaya ang nag-trigger kay Cristine para buhayin ang away nila dati ni Sarah? Ano nga kaya ang motibo niya? Para i-divert ang attention ng mga tao sa demanda sa kanya ng kanyang sister Ara Mina?
Naku, Ara magtigil ka na sa gimik mo, lumang style na ‘yan. Mag-isip ka ng bago at baka may pumatol pa sa mga pinagsasasabi mo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.