P-Noy hindi na pupunta bilang Best Man sa kasalang Chiz-Heart | Bandera

P-Noy hindi na pupunta bilang Best Man sa kasalang Chiz-Heart

Ervin Santiago - February 13, 2015 - 02:48 PM

heart evangelista

HINDI na raw makakapunta si Pangulong Noynoy Aquino sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na gaganapin sa Linggo sa Balesin Island, Quezon Province.

Ito kasi ang usap-usapan ngayon sa social media, balitang mismong si Sen. Chiz na raw ang nagsabi kay P-Noy na huwag nang dumalo sa wedding nila ni Heart. Ito sana ang magsisilbing Best Man ng senador. Pero ayon sa future husband ni Heart, wala raw itong kinalaman sa kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-SAF na pinoproblema ngayon ng Aquino administration. Sey ni Chiz, noong November, 2014 pa niya sinabihan si P-Noy na huwag na itong mag-abala na tumungo sa Balesin dahil malayu-layo nga ito. Bukod dito, magiging security nightmare rin ang pagdalo roon ng pangulo. Posible rin daw na mawala pansamantala ang signal sa isla kapag naroon ang pangulo kaya mas mabuting hindi na lang ito dumalo. Pwede naman daw itong sa Manila reception na lang umapir kung available ito sa araw na ‘yun. Pero ayon naman sa netizens, palusot na lang siguro ito ng kampo ni Chiz pero ang totoo, talagang pinayuhan si Pangulong Noynoy na huwag nang um-attend sa kasal dahil baka mas lalo siyang kainisan ng madlang pipol.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending