Rumesbak sa mag-inang Nadia at Ynna Asistio
IN full force ang pamilya at mga kaibigan ni Richard Gutierrez na dumating sa launching ng ini-endorse niya for Bench, ang deo-cologne na Gutz & Glory.
Extension daw ang bago niyang endorsement sa perfume niya rin for Bench with the same brand name.
Tinanong si Richard kung kumusta siya sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang pamilya, partikular na ang kanyang nanay na si Annabelle Rama.
“Kahit anong controversy naman for as long as you’re with your family, kahit na anong problem kaya mong i-solve for as long as matibay ang pamilya.
Alam namin kung ano ang totoo. Alam namin na nandiyan kami para sa isa’t isa at mahal namin ang isa’t isa. “So, kahit na anong adversity ang dumating sa pamilya namin kaya naming lampasan,” umpisang pahayag ni Richard.
Tungkol sa mga isyu sa mommy niya kinausap daw nila ang kanyang ina and she told them daw na when it comes to her battle ay pabayaan na siyang labanan ito mag-isa.
Sasabihin na lang daw ni Annabelle sa kanila kapag kailangan na niya ang tulong nila. Of course, ang tinutukoy ni Richard ay ang banggaan ng mommy niya at ni Nadia Montenegro.
Nadamay pa nga si Richard dahil daw sa pagpapadala niya ng text messages sa anak ni Nadia na si Ynna Asistio.
Kaya tinanong namin si Richard kung siya ba ang nagpadala ng text messages kay Ynna.
“Wala ring katotohanan ‘yun.
Hindi ko nga alam ang number nila, e,” sambit ni Richard.
Hindi na raw nagtataka si Richard kung siya man ang mapagbintangan na nagpapadala ng malilisyosong text messages kay Ynna, “Lahat naman ng mga inimbento nilang kwento tinray nilang ilabas sa media, so, ako, hindi na ako nagpapaapekto sa kanila kasi it’s all lies,” sabi pa ni Richard.
Nagkita na raw sila dati ni Ynna sa GMA 7 but recently, hindi pa, “Nu’ng nakita ko siya before, uhm, nakita ko lang siya from afar. Hindi ko siya nakita nang malapitan.”
Kapag nagkasalubong ba sila ni Ynna sa GMA, ano ang gagawin niya? “No, I will not say hi to her,” sagot ni Richard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.